Chapter 11 - Friendly date.

4.6K 70 21
                                    

Dere-derecho kaming lumabas ni Katsumi sa ospital at sumakay sa nakapark na kotse nya.

"Nakakainis talaga! Nakakainit ng ulo! Nakakakulo ng dugo! Nakakainis! Period. Kung makapagpasweet sya kay Julia akala nya kung sino syang gwapo? Tapos nagawa nya pang makipagflirtan sa harapan ko. Sobra na to!" gigil na gigil at pikon na pikon kong sabi.

"Wag ka ng mainis dyan...'BABE'. seryosong sabi ni Katsumi. Natigilan ako at tumingin sa kanya.

"Baket? Sabi mo kanina 'BABE' mo ko na namimiss mo ko. *sings* ♫ ♫ Hinahanap-hanap kita ♫ ♫" biglang ngumiti si Katsumi.

"Lalalala! Wala akong naririnig! Lalalala!" takip ko ang tenga ko. Tumawa si Katsumi. Hinawakan nya ang kamay ko at saka tinanggal sa pagkakahawak sa tenga ko. Ang lapit ng mukha nya sa kin.

"Date tayo Kath." matipid na sabi ni Katsumi habang halos 4 inches lang ang layo ng mukha nya sa kin.

"Date? Tayo? Tayong dalawa? Tayong dalawa lang?" gulat na tanong ko.

"Oo. Tutal sabi mo day-off ka naman ngayon. Tska sa tingin ko stress ka na kina Dj at Julia. You need a break." sagot ni katsumi sabay upo ng maayos. Woooo! Salamat nakahinga na din ako ng maayos.

"Sabagay. Pero friendly date lang naman to di ba?" tanong ko. Tumungo lang si Katsumi at saka inandar ang kotse.

"Saan nga palatayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sa bintana ng kotse.

"Kahit saan basta maging masaya ka." seryosong sagot ni Katsumi. Awkward na naman ng sitwasyon.

Ilang sandali lang ay tumigil kame sa isang maliit na restaurant at saka bumaba na kami.

"Nanay Lily's Restaurant." binasa ko ang sign board.

"Dito kami kumakain nila mama nung bata pa ko. Tuwing badtrip o kaya tinotoyo ako dati, dinadala ako dito ni mama tapos ayun, ok na ko. Kaya naisip ko na sakto na dito kita dalhin. Ikaen at iwanan mo dito kung ano man yang mabigat na dinadala mo." nakangiting sabi ni Katsumi. Ngumiti ako pabalik.

Halos 1 hour kami kumain at nagkwentuhan sa restaurant. Ang sarap ng pagkain at ang ganda ng ambiance ng lugar. Tama nga si katsumi, nakakagaan ng loob dito. Parang therapy-restaurant!

"Busog na busog ako. Pakiramdam ko tuloy lumobo na ko." sabi ko habang nakapout at nakahawak sa mukha ko.

"Lumolobo ka na nga." seryosong sabi ni Katsumi.

"Ouch ha! Grabe ka!" sabi ko sabay pabirong hampas sa braso nya.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon