Chapter 14- Dj vs. Katsumi

4.4K 64 26
                                    

Naging sobrang awkward ang sitwasyon sa min ni Katsumi. Natulog ako habang magdamag akong binabantayan ni Katsumi. Walang salita, walang ingay. Kinabukasan ay dumalaw sina Jc, Seth at Lester.

"Hi Kath, Yo katsumi!" bati ni Jc sabay upo sa sofa sa kwarto.

"Mukhang ok ka na Kath ah, aba aba. ang nurse mo!" pang-aasar ni Seth sabay akbay kay Katsumi. Napatingin ako kay Katsumi at nakatingin din sya sa kin. Saobrang ilang ko ay inalis ko agad ang tingin ko.

"May problema ba? Bat parang may iba sa inyong dalawa? May nangyare ba?" tanong ni Jc. Exaggerated akong umiling. Wala naman reaksyon si Katsumi.

"Wala ah! Ano namang mangyayare? Hahaha! Kayo talaga!" peke at malakas ang tawa ko. Napatingin ulit ako kay katsumi na walang reaksyon.

"Oo nga pala Kats! Bibisita kame kay Dj, join?" tanong ni Lester. Tumungo lang bilang pagsang-ayon si Katsumi.

"Kath, alis muna kame ah. Matagal na nameng di nabisita si Dj. Balik din agad kame after." nakangiting sabi ni Jc. nag good-bye wave sina Seth at Lester at saka silang umalis apat. Nakakapanibago si Katsumi, wala syang sinabi sa kin. Ni hindi sya tumingin sa kin bago umalis.

Ilang minuto lang ay pumasok na sila sa kwarto ni Dj.

"Yo Dj!" bati ni Jc sabay upo sa upuan sa tabi ng kama ni Dj. Bahagyang ngumiti si Dj at saka binitawan ang PSP na nilalaro.

"Nakaalala ata ang mga mokong!" sabi ni Dj. Lumapit si Seth sa kama at saka palarong dinaganan si Dj.

"P're aminin mo na! Namiss mo kame! Uyy. Miss nya kame!" pang-aasar ni Seth.

"Lumayas ka nga! Ang bigat mo! Tska pare. ASA! asa boy na namiss ko kayo!" maangas pero tumatawang sabi ni Dj. Nagtawanan ang barkada.

Biglang nabaling ang tingin ni DJ kay Katsumi na nakatayo sa tabi ng pinto.

"O! Kita nyo nga naman! Di nyo nasabi na may kasama pala kayong ahas." nakatingin ng masama si DJ kay Katsumi.

"Hoy hoy! Cool pare! May problema ba kayong dalawa?" tanong ni Lester sabay akbay kay Katsumi.

"Ako wala, baka sya meron." matipid na sabi ni Katsumi. Tumayo si Dj at saka lumapit kay Katsumi.

"Ikaw pa talaga may ganang mag-angas pagkatapos ng ginawa mo kay Kath." maangas na sabi ni Dj. Tumingin si Katsumi si Dj.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon