Chapter 1 - Limot.

7.3K 96 19
                                    

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo ha, Dj?" tanong ko.

"Nakakairita na talaga tong babaeng to ah. Hindi nga kita kilala." mas maangas na sagot ni Dj

Ilang segundo ako hindi nakapagsalita. Dinamdam ang mga salita nya ng pagkalimot.

"Kairita." matigas na sabi ko.

"Hoy. Anong sabi mo?" matipid pero maangas na tanong ni Dj

"Hoy! Wag mo kong i-hoy! dahil hindi 'hoy' ang pangalan ko. Tska ano yang inaarte mo dyan na hindi mo ko kilala?! Alam mo ba ang naramdaman ko nung naaksiden-- " pasigaw kong sagot kay dj pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinawakan ako ni katsumi sa balikat na para bang sinasabi nyang tumigil ako.

"Kats, kung girlfriend mo yan o chicks lang. Pwede bang ilabas mo yan dito. Naiirita na ko sa bibig nyan kanina pa. Tsk." sabi ni Dj

"Pero pare! Hindi mo ba talaga naaalala si--- " sabat ni Seth pero hinawakan din ni Katsumi ang balikat nya na hudyat para tumigil din.

"Sige Dj. Punta muna kame sa canteen sa baba. Mabuti pang magpahinga ka na muna." sabi ni katsumi

"Ha? Eh kakagising nga lang nyan e tapos matutulog ulit?!" sagot ni Lester sabay kamot sa ulo

"Sige. matutulog na lang ako." matipid na sagot ni Dj na tumagilid sa pagkakahiga.

Lumabas kaming apat sa kwarto ni Dj at pumunta sa canteen.

"Buti na lang din pala, pumunta tayo sa canteen. Gutom na din ako e!" sabi ni Lester

"Ako din! bili muna tayo tsong. Kayo Katsumi? Di ba kayo gutom?" tanong ni Seth

"*iling* Bilihan nyo na lang kami ng dalawang hot chocolate. Ok lang ba yun sa'yo?" tanong ni Katsumi

"Sige. Salamat. Naaalala ko paborito yun ni Dj." sagot ko.

Ngumiti si Katsumi at iniabot kay Seth ang 100 pesos. At saka umalis sina Seth at Lester para bumili.

"Katsumi, ano... bakit mo ko pinigilan kanina sa sinasabi ko kay Dj?" tanong ko habang ginagalaw galaw ang bracelet ko

"Sa tingin ko kasi, wala talaga siyang maalala at sa tingin ko din hindi makakatulong kung bibiglain naten sya o pipilitin na alalahanin ang mga bagay-bagay." sagot ni Katsumi

"Sabagay. tama ka. Iniisip mo ang kalagayan ng kaibigan mo." sagot ko habang ginagalaw galaw pa din ang bracelet

"Iniisip din kita ng sabihin ko yun." matipid na sagot ni katsumi

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Tumingin ako kay katsumi at nakatingin din siya sa kin. Inalis ko ang pagkakatingin ko sa kanya. At ngayon, awkward na ang sitwasyon.

"Hey guys! Eto na yung hot chocolate nyo na medyo hindi na gaanong ka-hot." sabi ni Seth sabay lapag ng hot chocolate sa harap naming dalawa.

"O anong nangyare sa inyo? Bakit parang hindi kayo nag-uusap?" tanong ni Lester sabay upo at binuksan ang burger niya

"Ha? Wala. walang nangyare. Pinag-uusapan lang namin ang sitwasyon ni Dj. Di ba Katsumi?" tanong ko na halatang naillang

"Oo. Sya nga pala. Pagkatapos niyong kumain dyan, punta tayo sa doctor ni Dj." sagot ni Katsumi sabay inom sa hot chocolate

"Doctor? Bakit?" tanong ni Seth habang ngumunguya ng burger niya

"Ahhhh. ang init! Akala ko ba hindi na gaanong mainit to!" medyo pasigaw na reklamo ni katsumi sa pagkakapaso sa hot chocolate

"Hahaha! Buti nga sa'yo! O ano na? Bakit nga tayo pupunta sa doctor ni dj?" pang-aasar ni Seth

"Para malaman naten kung bakit hindi niya maalala si Kath." seryosong sagot ni Katsumi sabay tingin sa kin.

"Ok lang naman sa kin kung hindi niya talaga ko naaalala. At least ngayon di ba, nabawasan na yung mga mayayabang na taong iintindihin ko." sagot ko.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo Kath?" seryosong tanong ni Lester sabay inom ng coca-cola niya

"Oo naman noh! Ok na ok lang yun!" sagot ko na may kasamang peke at exaggerated na ngiti.

"Sure ka ok ka lang?" tanong ni Seth

"Oo nam--- " mabilis na sagot ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita si Katsumi

"Syempre hindi yun okay. Hindi ka okay, Kath." matigas at matipid na sabi ni Katsumi.

"Pano mo naman nasabi yun?" tanong ko kay katsumi habang nilalaro laro ulit ang bracelet ko

"Kaibigan ka din naman namen Kath." sagot ni katsumi sabay taas ng kamay para mag-unat.

"Ano, tara na?" aya ni Katsumi sabay tayo sa lamesa

"Aye aye sir!" pang-asar na sagot ni Seth na may hand gestures pa

"Tara na Kath." aya ni Lester sa kin

"Okay." sagot ko sabay tayo sa lamesa para sundan sila sa paglalakad.

Tumabi si Katsumi sakin sa paglalakad. Nailang na naman ako sa hindi ko alam na rason.

"Kinakabahan ka ba?" matipid na tanong ni katsumi

"Medyo." mas matipid na sagot ko.

"Wag ka ng kabahan dyan. Magiging ok din ang lahat." sagot niya sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako sa kanya pabalik.

Pumasok kami sa office ng personal doctor ni Dj at umupo sa harap ng table niya. Mabait ang doctor ni Dj sa pagpapaliwanag samin ng mga nangyari pero sobra niyang scientific magpaliwanag. Yung tipong masarap pakinggan yung mga terms pero deep inside wala kang maintindihan ni isa.

"So doc, bakit hindi niya po ako maaalala?" tanong ko.

"He's experiencing selective amnesia. It can possibly occur in his case."

"Pero bakit si Kath lang ang hindi niya maalala?" tanong ni Seth. Nakita kong hinawakan ni Katsumi ang braso ni Seth para pigilan pero nasabi na niya ang tanong. At gusto ko ding malaman ang sagot.

Nagsimulang magpaliwanag ang doctor. Ang dameng terms. Ang dameng explanations. Wala kong maintindihan sa mga paliwanag niya maliban sa katotohanan na NALIMUTAN NA AKO NI DJ.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon