Bumaba kami ni Katsumi sa rooftop at nasa tapat na kami ng kwarto ni Dj.
"Kinakabahan na naman ako." napatigil ako at napahawak sa dibdib.
"Kinakabahan para san?" tanong ni Katsumi
"Kinakabahan na ayawan niya pa rin ako. Kinakabahan na hindi nya na ko ulit maalala." mahinang sagot ko habang ginagalaw-galaw ang bracelet ko. Hinawakan ako ng katsumi sa balikat at bahagyang itinulak.
"Hindi ganyan yung Kath na nagustuhan ni Dj. Wala kang dapat ipag-alala, maging totoo ka lang sa sarili mo. Di ba ang gusto mo lang naman maalala ka na ulit ni Dj? Magtiwala ka lang." sabi ni Katsumi.
"Tama ka. Sorry kung bigla kong pinanghinaan ng loob ah. Tara na sa loob." nakangiting sabi ko sabay bukas ng pinto.
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi ng makita ko sina Lester, Seth, Jc at Dj na nagtatawanan kasama si...JULIA.
"Yo." bati ni katsumi
"Yo!" sagot ni Lester
"Hi! Ikaw yung nakasalubong ko kanina di ba? I'm Julia." tumayo si Julia para makipagkamay pero di sya pinansin ni Katsumi kaya binaba nya lang ang kamay nya.
"Hi Chandria!" binaling sa kin ni Julia ang pansin nya.
"Ah. Hello." nakangiting sagot ko.
"Ah guys. Labas muna ko saglit ah. may pupuntahan lang ako, I'll be back. See you later Dj." sabi ni Julia sabay labas sa kwarto.
"Dj kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko sabay upo sa tabi ng kama nya. Di ako pinansin ni Dj at tumagilid lang sa pagkakahiga. Nawala na ang mga ngiti niya kanina.
"Bakit nandito yung Juliang yun?" seryosong tanong ni Katsumi habang nilalaro-laro ang apple na kinuha niya sa basket.
"Bat ganyan ka naman makatanong pare? Dumalaw sya kay Dj. Ang ganda nya noh. Akala ko nga kanina anghel na pumasok sa kwarto." nakangiting sagot ni Lester.
"Oo nga e! Anak naman ng swerte ni Dj oh!" dagdag ni Seth.
"Uy tama na yan." sabi ni Jc sabay batok kay Seth.
"Tama kayo Lester tska Seth. Ang ganda ganda ni Julia. Ang swerte ni Dj na may nakilala ay este naging KAIBIGAN pala na ganung dyosa dito." sabi ko na may pekeng ngiti.
"Pwede bang iwanan mo muna kame ng mga kabarkada ko?" biglang nagsalita si Dj sabay upo sa pagkakahiga.
Mabilis akong umalis sa kwarto na may mabigat na damdamin. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Julia na may dalang Chocolate shake.
"Uy Chandria. Hi! Can I talk to you for a while? May tatanong lang sana ako." sabi ni Julia. Umupo kami sa couch sa hallway.
"Nakwento na nila Seth ang nangyari kay Dj. Car accident tapos nagka-selective amnesia pa sya." pagsisimula ni Julia.
"Ah. Oo. Yung nga ang nangyari kay Dj." sagot ko habang nilalaro-laro ang bracelet ko.
"I just wonder kung kaibigan ka din ba ni Dj? napansin ko kasi na close ka sa mga kabarkada nya lalo na dun sa isa." tanong ni Julia
"Ako? Kaibigan? Ahh.. Sabihin na lang naten na kakilala ko sya." sagot ko
"Atleast nakahinga na ko. I thought of the possibility na girlfriend ka nya or something. Tinanong ko yun kay Dj pero sabi nya wala daw. I mean, pwedeng wala talaga or wala lang sya maalala. So it means na single si Dj, right?" nakangiting sabi ni Julia
"Ouch." mahinang sabi ko sabay tigil sa paggalaw ng bracelet ko.
"May sinabi ka ba Chandria?" tanong ni Julia
"Ah. hahaha. ang sabi ko eh ano naman kung single si Dj?" tanong ko sabay tingin kay Julia. Tumayo si Julia at tumingin sa kin.
"I like him. I find him interesting. Kaya masaya ko na single sya kasi may chance kame at alam kong malaki ang chance na yun." nakangiting pag-eexplain ni Julia.
"Eh pano kung may mahal pala si Dj dati na di nya lang maalala?" tanong ko habang nangingilid ang luha pero pinipilit kong di ipahalata.
"Ah well. Past is past. Ibabaon ko ang mga alaala nila." seryosong sagot ni Julia.
"Pero pano kung hindi papayag yung mahal nya na di nya maalala na mabaon kung anong meron sila?" seryosong tanong ko
"Feelings do change. Sa ngayon, as I can see, wala ng nararamdaman si Dj for 'her'. Chandria, excuse me pero punta na ko sa kwarto ni Dj, ibibigay ko tong chocolate shake, magugustuhan nya to." sagot ni Julia na parang sarcastic ang ngiti.
"Hot chocolate ang favorite nya. Di nya yan magugustuhan." matipid na sagot ko.
"Ahhh. I see. Baka hot chocolate ang favorite nya 'dati' pero I'll make him like this chocolate shake. I'll go. Bye." sabi ni Julia sabay alis. Ilang minuto ay tumayo na din ako at lumakad. Gusto ko ng umuwi.
"Kath!" pasigaw na tawagni Katsumi. Humarap ako at lumapit sya.
"San ka pupunta?" tanong ni Katsumi
"Uuwi na. I'm sorry Katsumi, pero gusto ko lang talaga ngayong umalis. Umuwi. Lumayo kay Dj. Tutal may Julia na din naman sya e." sagot ko ng nangingilid ang luha.
"Kapag kasama niya si Julia masaya sya, tumatawa. Pero makita nya lang ako naiinis sya. Bakit ganon? Ilang oras pa nga lang ata nyang nakilala si Julia, ganon na sya. Pero ako? matagal nya na kong kasama di ba? Pero bakit ganong nya na lang ako kalimutan?" dagdag ko sabay punas sa mga luha ko.
"Mahal mo ba si Dj?" matipid na tanong ni Katsumi. Tumungo lang ako.
"Ayun naman pala e. Makakaya mo bang panoorin na lang ang taong mahal mo na maagaw ng iba? Kath, hindi ka pwedeng umayaw na lang o sumuko. Si Dj ang pinaguusapan dito. Wag ka ng umiyak Kath, lumaban ka." sabi ni Katsumi sabay punas sa luha ng mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)