Chapter 25 - Bye Katsumi. Hello Dj?

4.1K 76 67
                                    

Kinabukasan ay nag-iisip isip pa din ako sa mga naganap nung birthday ni katsumi. Kinatanghalian... *ding dong* 

"Saglit lang! Papunta na!" sigaw ko sa nagdodoorbell. Binuksan ko ang gate.

"O Seth! Bakit?" tanong ko.

"Tara na kath!" parang nagpapanic na sabi niya.

"Teka lang, Seth. Ano bang nangyayare? Tska saan tayo pupunta?" tanong ko. Hinila ako palabas ni Seth papunta sa kotse ni JC sa labas.

"Aalis na si Katsumi. 1:30 ang flight nya." sabi ni Seth. Tinignan ko ang wrist watch ko, 12:45 na.

"Ano ba! Sumakay ka na! Baka hindi naten maabutan si Kats!" sigaw ni Dj na nasa loob ng kotse. Pumasok na kame ni Seth sa kotse at saka mabilis na pinaandar ni JC.

"Kakatext nya lang na aalis sya ngayon. Ano kayang nasa isip nung mokong na yun at binigla tayo."sabi ni Lester habang kumakamot ng ulo.

"Hoy, kayo magkasama ni Katsumi kagabi pagkatapos nila mag-usap ni Aria di ba? Sinabi nya ba to sayo?" maangas na tanong ni Dj. Umiling ako.

"Sa tingin mo ba mo kung alam ko to, magugulat ako ng ganito. Ni hindi nya nga ko tinawagan o tinext na aalis sya." sagot ko.

"Pwede ba tama na muna yan. Sa tingin ko walang sinadya ni Kats na gulatin tayo sa pag-alis nya." sabi ni Jc.

Ilang sandali ay nakadating na kame sa airport. Dali-dali kameng pumunta sa departure area. Time check- 1:10. Tumakbo na kame para maabutan ang flight ni Katsumi.

"Kats!!!" sigaw ni Seth habang hinihingal. Tumayo si Katsumi sa kinauupuan nya at saka lumapit sa min.

"Sabi ko na nga ba gagawin nyo ang lahat para maabutan ako." sabi ni Katsumi sabay ngiti. Lumapit si Dj at saka binatukan si Katsumi.

"Ayos ka din e noh! Natutuwa ka pa samantalang halos lumipad na kame para maabutan ka!" sabi ni Dj. Ngumiti si Katsumi at saka tinapik ang balikat ni Dj.

"Teka lang Mr. Katsumi Kabe, para ba kay Aria to?" tanong ni Jc. Bahagyang tumungo si Katsumi. Hindi ko alam kung bakit pero ng minutong iyon ay sumakit ang puso ko.

"Journey for love! Hayop! Goodluck p're!" nakangising sabi ni Dj sabay apir kay Katsumi. Nabaling ang tingin ni Katsumi sa kin at saka sya lumapit.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon