*Kring Kring* Tumatawag si Katsumi. Anong oras na ba? Ay shocks! Na-late ako ng gising. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga ko sabay sagot sa cellphone.
Kath: Hello Kats. Kakagising ko lang, nawala sa isip ko na wala nga pala akong bakasyon.
Katsumi: Halata nga. Sige, mag-ayos ka na. Sunduin ka namen after 30 minutes.
Kath: Sunduin? Bakit? Anong meron?
Katsumi: Dadalawin si Dj. Sige na, kilos na. Bye.
Kath: Ok. Bye.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Ipinusod ang mahabang buhok ko at nag lagay ng konting lipstick. Pumunta sa kusina para uminom ng mainit na milo.
"Kath, kamusta na si Dj?" tanong ni mommy habang nagpapalaman ng sandwich para ipabaon sa kin.
"Ganon pa din po. Pero nararamdaman ko pa na magiging ok din sya." sagot ko habang umiinom ng milo.
"Are you okay? I mean, working as a personal nurse for him? Sa tingin ko, di mo naman kailangan gawin yan kath." sabi ni mama sabay abot sa kin ng sandwich.
"Ok lang po ako mommy. Thanks po sa sandwich. Ah mommy, alis na po ako. Kakatext lang po ni Katsumi na nasa tapat na sila ng gate. Bye!" sagot ko habang nakangiti sabay alis.
Sumakay ako sa kotse ni Katsumi. Kumpleto ang barkada, sina Jc, Seth, Lester, Katsumi. Si Dj na lang talaga ang kulang. Ilang minuto lang ay dumating na kame sa ospital. Dumerecho sa room 126, sa kwarto ni Dj.
*tok tok* Walang sumasagot *tok tok* Wala pa din. Kaya pumasok na kame pero wala kameng Dj na nakita.
"Asan yun?" tanong ni Jc habang bitbit-bitbit ang isang basket ng prutas.
"Pare tignan mo, nandito yung dextrose niya!" sabi ni Lester habang hawak-hawak ang dextrose. Lumapit ako kay Lester at tinignan ang dextrose.
"Sapilitan niya yang tinanggal. Hala, patay ako kay doc pag nalaman niya to. kahit na acting lang to, nagpromise pa din ako na aalagaan ko si Dj." kinakabahang sabi ko.
"Maghiwa-hiwalay tayo. Seth, sa ground floor at sa labas. Lester, 1st floor at canteen. Jc, sa floor na to pati sa 3rd. Ako sa 4th at 5th floor. Kath ikaw sa 6th at rooftop. Magtext kayo kapag nakita niyo na sya, ok?" utos ni katsumi. Nagsimula na kaming maghanap.
Inuna kong libutin ang buong 6th floor pero wala akong nakita kaya pumunta na ako sa rooftop. May nakita akong isang lalake at babae na nakaupo sa couch, di ko sila gaanong makilala dahil sa sinag ng araw kaya lumapit ako.
"Dj? Si Dj nga. Ano naman kayang ginagawa niya dito?" sabi ko habang papalit sa couch. Pero natigilan ako sa nakita ko. Kasama ni Dj yung babae nabangga ko kahapon. Yung magandang babae. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ng makita kong nag-uusap sila at nagtatawanan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)