Bumalik ako sa kwarto ni Dj, room 126, dala-dala ang tray cart na may laman na soup, fish fillet, isang cup ng kanin, saging, orange juice at tubig.
"Oras na para kumain. Bangon na." utos ko habang inaayos ang maliit na lamesa sa kama na paglalagyan ng pagkain.
"Ayoko." matigas na sabi ni Dj na nakatalukbong pa din ng unan. Huminga ako ng malalim. bawal maubos ang pasensya.
"Hindi pwede yang 'ayoko'. Oras na para kumain at kailangan mo to para makainom ka na ng gamot." striktang sabi ko, in character sa pagiging nurse.
"Ayoko!" pabalang niyang sigaw. Nanggigil ako sa inis. Kumukulo ang dugo ko.
"Hoy! Ayokong ina-ayoko mo ko!" pasigaw ko din sagot.
"Sino ka ba sa akala mo?" Maangas na tanong niya sabay hagis sa kin ng unan. Pero sa pagkakataong ito, naiwasan ko na ang unan.
"Hoy ikaw! Ulitin mo pa kong hagisan ng unan at sigawan dyan, sasaksakan ko talaga ng lason yang dextrose mo habang natutulog ka." bwisit na bwisit na sabi ko.
"Nurse ka lang dito." mas maangas niyang sagot. Aba talaga! Sumasagot pa.
"Oo nga. Nurse 'lang' ako dito. Pero 'pasyente' ka lang naman din dito. Wag mo kong pagmamataasan habang nandito ka sa ospital. Wala kong pakealam kung bilyonaryo ka o prinsipe, basta ang alam ko pasyente lang kita dito kaya umasta ka bilang isang pasyente." naiinis kong sagot.
"Kakaen na ko." matipid na sabi ni Dj.
"Kakain ka din pala e." pabulong kong sabi habang inaayos ang mga kakainin niya.
"Hindi ibig sabihin nito gusto na kita maging nurse." sabi niya habang kinakain ang fish fillet.
"Bakit ba ayaw mo sa kin? May nagawa ba kong masama sa'yo?" tanong ko sabay upo sa upuan sa tabi ng kama nya.
"Ewan. basta naiinis ako. Hindi ko mapaliwanag. Parang may nagsasabi sa kin na may nakakainis kang nagawa sa kin dati. Tsk. Siguro dala lang ng pagkakaron ko ng amnesia." sagot niya sabay inom ng orange juice
"Ganon ba? Siguro dapat mo na kong gustuhin maging nurse habang naka-confine ka dito sa ospital. Friends?" tanong ko sabay abot ng kanang kamay ko para makipag-shake hands. Deadma lang sya, patuloy pa din sa pagkain.
"Hindi ako basta nakikipagkaibigan." matipid na sagot niya sabay kain ng saging
"O sige ganito na lang. Magbigay ka ng limang bagay na unang pumasok sa isip mo, kahit anong salita, tapos sasabihin ko yun in order, same words. Kapag nasabi ko ng tama, friends na tayo. Pero pag nagkamali ako, magreresign ako bilang personal nurse mo. Deal?" panghahamon ko. Magaling ata akong magmemorize.
"Ok. Deal." sagot niya sabay pikit ng mata.
"White car. singsing. parke. kaibigan. hospital." mabilis niyang sinabi sabay dilat ng mata.
"White car. singsing. parke. kaibigan. hospital." sabi ko.
"O pano ba yan. Friends na tayo?" sabi ko na may kasamang ngiti.
"Tsk. Ok." matipid na sagot niya habang naka kunot ang noo.
"Bakit mo naisip yung limang bagay na yun?" tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan niya.
"Ewan ko. Bigla ko na lang nasabi. Pero parang kumirot ang dibdib ko." sabi niya sabay higa sa kama.
"Ok ka lang ba? Tatawagin ko ba si doc?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi, wag. Ok lang ako. Iwanan mo na muna ko, gusto ko matulog." sagot ni Dj sabay tagilid sa kama.
Lumabas na ko sa kwarto tulak-tulak ang tray cart.
"Yo." matipid na tawag ni Katsumi na nakatayo sa labas
"Ay tipaklong! Nagulat ako sayo Kats. Nandyan ka pala." sagot ko habang hawak ang dibdib
"Wala ka ata sa sarili? May nangyari bang kakaiba?" tanong niya
Itinabi ko ang tray cart at umupo muna kami sa bench sa hallway.
"Ok lang ako. May nangyaring kakaiba? Hmm. May nakabangga akong napakagandang babae kanina. As in ang ganda." pagkekwento ko.
"E si Dj?" tanong ni Katsumi na halatang walang pakealam sa kinekwento kong magandang babae.
"Ayun hambog pa din. Iritang irita pa din sakin pero nag-deal kame at nanalo ako kaya 'friends' na kame. Di ko lang masabi kung friends na nga ba talaga." kwento ko ng nakapout at nilalaro-laro ang bracelet
"Deal? Anong deal?" tanong ni Katsumi
"San ba kong deal laging nananalo?" sagot ko sabay ngiti.
"Sabagay. Hindi ka pa natatalo sa memorization game na yun. Mukhang pati yun nalimutan ni Dj, kasi kung naaalala niya yun sigurado walang deal na naganap." sabi ni katsumi na may bahagyang ngiti
"Siguro nga. Pero alam mo, parang may something dun sa limang words na binigay niya." sabi ko sabay tigil sa paglalaro ng bracelet
"Bakit?" tanong ni katsumi
"White car. singsing. parke. kaibigan. hospital. Tapos sabi niya bigla nya lang daw yung naisip tapos nasabi tapos biglang sumakit ang dibdib niya." sagot ko sabay tingin kay katsumi
"Wag ka na masyadong mag-isip kath. Basta ang mahalaga ngayon, medyo nagkakasundo na kayo. Baka bukas maalala ka na niya." sabi ni katsumi sabay ngiti
"Mag dilang anghel ka sana. Sana bukas maging maganda ang mga mangyari at maalala na niya ko ulit." sagot ko ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)