*KATH POV*
Hawak-kamay kami ni Dj na lumakad papalayo sa park.
"Kath, nagustuhan mo ba talaga si kats? Bago at pagkatapos kong maaksidente?" mnahinang tanong ni Dj. Napatingin ako sa kanya.
"Siguro. Ewan." matipid na sagot ko. Binitawan ni Dj ang kamay ko at mabilis na lumakad. Binilisan ko din ang lakad ko at hinawakan sya sa braso.
"Hoy Dj! Ano bang problema mo. Teka nga, antayin mo ako!" sabi ko. Tumigil si Dj sa paglalakad at saka humarap sa kin.
"Bawiin mo yung sinabi mo." maangas na sabi niya.
"Ano bang sinasabi mo dyan. Nagtanong ka, sumagot lang naman ako." sabi ko sabay pout. Tumingin ng masama si Dj sa kin at saka ako mahinang pinitik sa noo.
"Edi gusto mo nga sya! Wag mo na kong kausapin simula ngayon!" maangas na sabi ni Dj.
"Mabait si Kats, siguro kahit sino namang babae magkakagusto sa kanya." sagot ko. Tumingin sa kin si Dj at saka inis na umirap at saka lumakad papalayo. Hinabol ko siya at niyakap ng patalikod.
"Pero iba naman ang mahal di ba?" bulong ko habang nakayakap. Humarap si Dj sa akin at saka ngumiti.
"Siguraduhin mo yan kundi kakalimutan ulit kita." nangingiting sabi ni Dj. Umirap ako pero sa huli ay nangiti na lang din ako. Umakbay si Dj at saka kami pumasok sa kotse nya.
Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng bahay ko, naunang bumaba si Dj, binuksan nya ang pinto at saka ako inalalayan bumaba. Hawak-kamay na lumakad kame papasok sa bahay pero agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ng makita ko si...KATSUMI.
Nakasandal si Katsumi sa gilid ng gate namen. Nakatingin sya sa kamay naming magkahawak ni Dj. Tumingin sya sa kin at bahagyang ngumiti.
"Inaantay kita, Kath." matipid na sabi nya. Kinuha ni DJ ang kamay ko pero bumitaw ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)