Note: (***) = flashes of past memories.
____
*DJ POV*
"Kahit anong 5words di ba? Sabihin mo na." nakangiting sabi ko. Di nagsalita si Kath.
"So friends?" sabi ko. Napangiti sya at saka hinila ang kamay ko para lumakad.
"Tara na 'Friend.'" nakangiting sabi nya. Ngumiti din ako pabalik. Masaya ako dahil kay Kath. Masaya ako sa di ko maipaliwanag na rason. Magkahawak kame ng kamay habang naglalakad ng biglang...
***
"Alam mo ang tagal na nateng ganito. Ano ba talaga tayo?" sabi ko habang kahawak ng kamay ang isang babae. Tumingin sya pero di ko lubusang makita ang mukha nya.
"Hmm. Friends? Special friends. Alam mo namang special ka para sa kin di ba?" sabi nya. Di ko sya makita pero napakapamilyar ng boses nya.
"Eh wala din pala akong pinagkaiba. Kaibigan lang din pala ako." sagot ko. Natahimik sya.
"Dj. I'm sorry." sinabi nya ang pangalan ko. Pakiramdam ko unti-unti syang lumayo sa akin.
***
*PRESENT TIME*
"Dj. Hoy! Dj? Ok ka lang?" sabi ni kath sabay hawak sa noo at leeg ko para tignan kung may lagnat ako.
"Ah. Oo. ok lang." seryosong sabi ko. Tinignan ako ni Kath at saka ako hinila pabalik.
"Uuwi na tayo. Hindi ka ok eh! Ano bang nangyare sayo? Akala ko pa naman macecelebrate naten ang Friendship day naten." sabi nya sabay ngiti.
"Sorry. Bigla kasing sumama pakiramdam ko. Uuna na muna ako. Sige ingat." sabi ko sabay alis. Ayoko naman talagang iwanan si kath pero sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga pangyayari. Pakiramdam ko parang may bumabalik sa kin na alaala na hindi ko maintindihan.
Umuwi ako sa bahay. Derecho sa kwarto. Ni-lock at saka humiga sa kama. Nakatingin sa blankong kisame at saka ipinikit ang mga mata.
***
Nagdidrive ako ng kotse papunta sa isang lugar. Masaya ako, masayang masaya. Kinapa ko ang maliit na regalo na nasa bulsa ko. At ngumiti ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)