Chapter 34 - Inescapable feelings.

4.2K 77 17
                                    

After 2 months...

*KATH POV*

Almost 2 months na din ang nakalipas ng mag-desisyon ako na tuluyan ng kalimutan si Dj. Nakikita ko pa din sya pero umiiwas ako. Naging maayos ang relasyon nila ni Julia, samantalang si Katsumi naman ang palaging kasama ko.

*ding dong*

Mabilis akong bumaba sa kwarto papuntang gate. Lalabas kasi kame ngayon ni Katsumi.

"Kats!" bati ko sabay bukas ng gate. Ngumiti si Katsumi at saka tinapik ang ulo ko.

"Tara na." matipid na sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Sumakay kami sa kotse, nagsimulang mag-drive si Katsumi.

"Kath." matipid na tawag nya.

"Uhm?" tumingin ako sa kanya. Di sya nakatingin sa kin, nagdidrive pa din sya.

"Hoy ano yun?" tanong ko. Di pa din sya tumitingin o nagsasalita, pinipigilan nya ang ngiti nya.

"Nang-titrip ka ha!" sabi ko sabay pindot sa busina ng kotse nya. Pinipigilan nya ang pangungulit ko.

"Uy teka, baka bumangga tayo!" natatawang sabi nya Katsumi. Hindi ko pa din tinitigilan ang pangungulit ko. Pero napatigil ako ng biglang pumreno ang kotse ni Kats ng malakas dahil sa dalawang batang tumawid.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Katsumi sabay tingin sa kin. Tumungo ako.

"Ok lang. Nagulat lang ako. Ikaw? Tumama ka ba? May masakit ba sayo?" tanong ko. Tumungo si Katsumi sabay turo sa puso nya.

"Ang sakit ng puso ko. Pagalingin mo nga nurse chandria." nangingiting arte ni Katsumi. Hinalikan ko ang kamay ko at saka dinikit sa puso ni Katsumi.

"Ayan na ha. I-drive mo na ulit. Gutom na ko." sabi ko. Tumingin si Katsumi sa kin at tinapik ang ulo ko at saka nagsimulang mag-drive.

Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na din kami sa isang korean restaurant. Bumaba kami sa kotse at saka pumasok sa loob.

"Annyeong." natatawang sabi ko kay katsumi pagkaupo namin sa lamesa.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon