Mahirap mag-hintay. Isipin mo kung hanggang kailan o gaano ka katagal uupo at maghihintay sa pagbabalik ng alaala nya na walang kasiguraduhan.
Pero para sa kin, hindi ko nga siguro alam kung gaano katagal o kung may inaantay pa nga ba ako o wala. Pero sumuko ang pinakahuli kong gagawin. bakit? Simple lang, dahil nagmamahal ako. NAGMAMAHAL AKO NG TUNAY.
Napaisip ako, kung wala bang nangyaring aksidente at amnesia kay Dj, ganito pa din kame? mahal pa din kaya namin ang isa't isa? Isa lang ang ibig sabihin ko dun. Madaming pwedeng maganap, madaming pwedeng sumira o sumubok sa inyo pero sa huli, KAYO pa din ang gagawa ang paraan para ma-alagaan ang pagmamahalan.
---
Bumalik si Aria sa bansa. Hindi naging madali kay Katsumi na muling buksan ang puso nya pero sa nakikita nameng lahat. Mahal nya pa din si Aria at ganoon din si Aria sa kanya. Masaya ako para kay Kats, tulad ng lagi nyang sinasabi magiging masaya at kuntento ako hangga't nakikita kong masaya din sya.
Nakakatuwa ang tadhana, dahil naging malapit sa isa't isa si Lester at Julia. Sa totoo lang, bagay silang dalawa. Madalas asarin ni Lester si Julia sa kaartehan at pag-eenglish english nito pero sa huli sila pa din ang palaging nagkakaintindihan.
Nanatili namang makulit at hyper na kaibigan si Seth. Nakilala nya si Anikka, ang tanging babae na nagpapatahimik at nagpapatorpe sa kanya.
Si Jc pa din ang mediator ng grupo. Tiga-advice, tiga-awat, tiga-ayos ng gulo at tampuhan. Naiisip ko, nasa kanya na ata ang lahat, tanging babaeng mamahalin na lang sya ang kulang.
Unti-unti namang bumabalik sa alaala ni Dj ang lahat. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo... handa akong samahan sya para mabalik ang lahat pero kung sakaling hindi na ito mabalik, handa akong samahan sya sa pagsulat ng panibagong kwento naming dalawa. ♥
FIN. ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)