Chapter 30 - Welcome back.

3.9K 78 41
                                    

*KATH POV*

*ding dong* Tumingin ako sa wallclock, 8am. *ding dong* Sino naman kaya tong ang aga-agang pumunta. *ding dong* Napatingin ako sa tabi ko. Napatayo ako sa gulat na katabi ko si Dj nakayakap pa sa kin. Nalimutan ko na dito pala ako natulog kagabi.

"Panaginip ba yun? Panaginip lang lahat ng yun Kath." sabi ko habang sinasampal at kinukurot ang pisngi ko.

"Totoo yun. Totoong hinalikan kita tapos magkatabi tayong natulog. Magkatabi lang naman e." nakangiting sabi ni DJ na kakagising lang.

"Sshhhhh! Manahimik ka dyan!" sigaw ko habang hawak ang mukha ko sa hiya. *ding dong* Ay oo nga pala, may tao sa labas. Lumabas ako sa gate at binuksan.

"Oh Jc, lester, Seth.. Bakit kayo nandito?" tanong ko.

"Nagtext kasi si Dj na pumunta daw kame dito." sabi ni Jc sabay pakita ng text message ni Dj.

"Ha? Tinext nya kayo na pumunta dito? Pati kayo Seth?" sabi ko. Sabay na tumungo lang sina Seth at Lester. Ano kayang iniisip ni Dj? Ahh. Nakakainis!

"Pwede bang pumasok sa loob kath?" tanong ni Lester.

"Ha? Wag na. madumi kasi sa loob. Di pa ko nakakapag-linis." kinakabahang sagot ko. Ayokong makita nilang nasa loob si Dj.

"Ok lang yun Kath. Sige na tara na!" sabi ni Seth. Umiling ako.

"Nako Seth wag na! Ang dumi talaga sa loob baka magka sipon o ubo lang kayo sa dumi. Naku wag na talaga." mas kabado kong sagot. Nagtinginan lang silang 3 na halatang nagdududa sa kinikilos ko.

"Pasok kayo mga p're! Tara, kain muna tayo dito ng almusal!" sabi ni Dj sabay akbay sa kin.

"DJ?!" sabay-sabay nilang sabi. Tinakpan ko ang mukha ko sa pinagsamang hiya at inis.

"Ehem. Ehem. Mukhang may dapat kameng malaman ah." nakangising sabi ni Seth. Inalis ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko. At tumingin ng masama kay Dj na nakangiti naman. Bwisit!

"Tara na pasok na kayo. Ieexplain ko sa inyo dun." inis na sabi ko. Inalis ko ang pagkakaakbay sa kin ni Dj at saka sya kinurot sa braso.

"Araaaayyyyyyyy honey!" sigaw ni Dj.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon