Chapter 27 - Back as friends.

3.9K 58 19
                                    

Buong gabi kong inisip kung bakit nagalit sa kin si Dj at kung kamusta na kaya si Katsumi.. Salit-salitan sila sa isip ko hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Agad akong naligo at nagbihis. Gusto kong gumala ngayon para maalis tong mga iniisip ko.

"Oh kath? Good afternoon na. Tagal ng tulog mo. Bihis ka ata? Where are you going miss?" tanong ni mommy habang nanonood ng TV. Sabado na nga pala ngayon kaya walang pasok si mommy.

"Ah. Mall lang po saglit mommy." nakangiting sagot ko.

"Ok. Oo nga pala Kath, parang di ko na nakikita si katsumi na pumupunta dito?" pahabol na tanong ni mommy. Natigilan ako.

"Ahh. ehh. May inaasikaso lang po sya. Sige mommy, alis na po ako." sagot ko. Nakakainis napasok na naman sa isip ko si katsumi.

"Kamusta na kaya sya? Nagkita na kaya sila ni Aria? Nagkabalikan?" tinatanong ko sa sarili ko sabay labas ng gate. Laking gulat ko ng makita ko si Dj sa tapat ng bahay namen.

"Dj? Bakit ka nandito?" gulat na tanong ko. Bigla syang nag-jumping jack.

"Uy! Ano.. ahh.. Nag-eexercise ako!" sabi nya habang paulit ulit na nagjujumping-jack. Ang weird pero cute sya. Napangiti ako.

"Exercise? Ang layo naman ata ng bahay nyo sa pinag-eexercisan mo?" nakangiting tanong ko sabay crossed-arm.

"Ha? Baket? Nagjojogging ako! kaya napadpad ako dito! tama! Nagjojogging kaya ako! hahaha!" tumatawang sabi ni Dj sabay jogging na hindi gumagalaw sa pwesto.

"Ok fine! Sige aalis na ko." sabi ko sabay alis.

"Hoy teka lang! Aalis ka na agad? Kanina ka pa kaya kita inaantay!" sigaw nya sabay habol sa kin. Lumingon ako sa kanya.

"Inaantay? Akala ko ba nagjojogging ka? Nag-eexercise?" tanong ko. Lumakad sya sa paharap sa kin at hinawakan ang balikat ko.

"Di ka ba man lang magsosorry sa kin? Pumunta ko dito para tanggapin ang sorry mo." sabi nya.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Sorry para-" sagot ko pero bago ko matapos ang sasabihin ko ay naalala ko yung nangyare kahapo at bigla kong narealize kung bakit sya nagalit sa kin. Nagseselos ba sya dahil kay Katsumi?

"Ahh. Sige. Sorry." sabi ko. Ngumiti si Dj sabay yakap sa kin habang tumatalon-talon pa.

"Shoo! Shoo! Magjogging ka na dyan! Aalis na ko." sabi ko sabay alis sa pagkakayakap ni Dj.

"San ka pupunta? Sama ako!" nakangising sabi ni Dj na sumabay sa paglakad sa kin. Tumingin ako ng masama sa kanya pero ang kulit ng pagkakangiti nya kaya bigla ang napangiti.

"Uyyy! Kinikilig!" nakangiting pang-aasar ni Dj. Tinanggal ko ang ngiti ko.

"May low-pressure area ba? Ang hangin e. Tska pumayag na ba kong sumama ka sa kin? Puntahan mo na si Julia baka kanina ka pa nun hinahanap." sabi ko.

"Sus! Binabago ang usapan! Kinikilig ka lang e!" pang-aasar ni Dj. Tinignan ko sya ng masama.

"Pumunta ka ba talaga dito para manira ng araw?" mataray na sabi ko. Nilapit ni DJ ang mukha nya sa kin.

"Etong mukhang to, makakasira ng araw?" nakangiting sabi ni Dj. Nilayo ko ang mukha ko sa kanya ay hinampas ang braso nya.

"Kapal! Sige na aalis na ko para mag-iisip isip kaya ayokong may makasama. Umuwi ka na o kaya ituloy mo yang pagjojogging mo. Bye." sabi ko sabay alis. Ilang sandali habang naglalakad ay nilingon ko si Dj pero di ko na sya nakita kaya dumerecho na ko sa mall.

Pumunta ako sa ice cream shop at umorder. Kumakain ako ng bigla akong mapatingin sa labas ng ice cream shop at nakita ko si Katsumi na dumaan. Nanlaki ang mata ko. Sinundan ko sya ng tingin at saka ako mabilis na tumayo at hinabol sya.

"Kats!" ang bilis ng takbo ko at bigla ko syang hinawakan sa braso. Lumingon ang lalake. Singkit, nakasalamin sya pero hindi sya si katsumi.

"Ah. Sorry sorry. Akala ko kasi ikaw yung kakilala ko." sabi ko sabay alis. Napahawak ako sa ulo ko at bahagyang pumikit.

"Kat. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba ganyan? Mali to. Mali to.. Di mo sya namimiss. Mali ang nararamdaman mo." mahinang sabi ko sabay katok sampal sa sarili ko.

"Sinong namimiss mo?" biglang may bumulong sakin. Mabilis akong lumingon at nakita ko si Dj.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa? Narinig mo?" sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti lang si Dj.

"Namimiss mo siguro talaga si Kats noh. Ok lang naman na aminin mo yun kung yun talaga ang nararamdaman mo. Mas mahirap kung itatago mo yan sa sarili mo." sabi ni Dj.

"Magkasama na kaya sila ni Aria ngayon?" mahinang sabi ko. Tinapik ni Dj ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya.

"Baliw ka ba? Di ba sabi mo makita mo lang syang masaya magiging kuntento ka. E ano yang drama mong yan?" maangas na sabi ni Dj.

"Pano mo yun nalaman? Ibig sabihin-" gulat na sabi ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita si Dj.

"Oo, nandun ako. Nakikinig, nanonood sa usapan nyo ni Kats. Hanggang yakapan pa." sabi ni Dj sabay peace sign. Pabiro ko syang hinampas at saka ngumiti.

"Chismoso ka pa din." nakangiting sabi ko.

"Di nga siguro ko kasing-singkit ni Kats o kasing sweet nya o understanding pwede mo din akong sabihan ng problema o nararamdaman mo." sabi ni Dj.

"Friends?" sabi ni Dj sabay abot sa kamay nya para makipag-handshake. Ngumiti ako.

"Pag natalo mo muna ko sa memory game. Magsalita ka ng 5 words, kahit ano tapos sasabihin ko right away. Walang labis, walang kulang. Deal?" hamon ko.

"Mahal, na, ata, kita, dj" sunod-sunod na sabi ni Dj. napatigil ako. Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang sya.

"Seryoso kasi!" sabi ko. Umiling si Dj.

"Kahit anong 5words di ba? Sabihin mo na." nakangiting sabi ni Dj. Di ako nagsasalita.

"So friends?" sabi nya. Napangiti na lang ako at saka hinila ang kamay ni Dj para lumakad.

"Tara na 'Friend.'" nakangiting sabi ko at ngumiti din sya pabalik.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon