Pumayag ako sa request ni Dj na wag na munang umalis ngayong gabi. Nagtext ako kay mommy para sabihin na hindi muna ako uuwi. Nakaupo ako sa couch sa tabi ng kama ni Dj.
"Dj, Sana maalala mo na ko. Hindi sa naiinip ako ah pero kasi alam mo ba, miss na miss na kita. Miss ko na yung tayo. Yung Dj na kilala talaga ako." mahinang sabi ko habang nakatingin maigi kay Dj. Unti-unting dumilat si Dj kaya umayos ako ng pagkakaupo.
"Nagising ba kita?" tanong ko. Umiling si Dj.
"Hindi. May napanaginipan lang akong babae. Pakiramdam ko isa syang napakahalagang tao sa kin pero hindi ko maalala." sagot ni Dj habang hinahawakan ang ulo nya.
"Siguro tama ka. Pero sa ngayon, wag mo na munang pilitin ang sarili mo na alalahanin ang lahat, makakasama sayo yan. Nakakasigurado naman ako na kahit gaano pang katagal aantayin ka nun, pustahan pa." nakangiting sabi ko.
"Salamat Kath. kath. kath. kath. kath" paulit-ulit sinabi ni Dj ang pangalan ko habang nakangiti.
"Ano namang trip yan?" tanong ko.
"Wala lang. Gusto ko lang sabihin. Kath. kath. kath." nakangiting sagot ni Dj. Bigla nyang kinuha ang kanang kamay ko at saka humiga at natulog. Hawak nya ang kamay ko habang natutulog. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ilang sandali lang ay tumungo na din ako sa kama at natulog.
*Kring Kring*
Kath: hello?
Katsumi: Kath. Nasaan ka? Hindi mo sinasagot mga texts ko kagabi.
Kath: Katsumi. Ikaw pala yan. Shocks. Umaga na pala. Hindi kasi ako nakauwi kagabi, nasa ospital pa din ako.
Katsumi: Antayin mo ko dyan. Pupuntahan kita. bye.
Tinanggal ko ang kanang kamay ko sa pagkakahawak ni Dj at nagising sya.
"Aalis ka na?" tanong ni Dj habang nagkukuskos ng mata.
"Oo. Pupuntahan na ko ni Katsumi." sagot ko habang nag-aayos ng bag.
"Di ka ba marunong umuwi? Kailangan ka pa talagang sunduin ha? tsk." nakakunot na sabi ni Dj.
"Eh siya naman nagsabi na pupunta sya. Tska wala namang masama dun." sagot ko kuha sa cellphone ko. Biglang hinablot ni dj ang cellphone ko.
"Hoy! Ano ba! Akin na nga yan. May itetext ako!" sabi ko habang inaagaw ang cellphone.
"Text ka pa ng text! Sino ba yang tinetext mo? Si Katsumi na naman? Pupunta din naman sya dito ah! Antayin mo na lang! baka maaksidente pa yun sa pagtetext." sabi ni Dj sabay padabog na abot ng cp sa kin.
*Tok tok*
Pumasok si Julia na may dalang isang basket ng prutas.
"Goodmorning Dj... and, oh chandria. You're here na. Aga mo naman ata dito." sabi ni Julia na halatang peke ang ngiti.
"Sa tingin ko nga mas maaga ka pa para sa isang bisita." sabi ko habang nagaayos ng buhok.
"Ofcourse, I'm not just a visitor. Right Dj?" nakangiting sabi ni Julia sabay irap sa kin. Magtimpi ka Kath!
Ilang segundo lang ay pumasok si Katsumi sa kwarto.
"Yo." matipid na sabi ni katsumi. Tumingin ng masama si Dj.
"Oh tamang tama. Andyan na yung sundo mo Chandria slash Kath or whatever your name is. Ingat kayo pauwe." sabi ni Julia sabay upo sa tabi ng kama ni Dj. Lumapit naman sakin si katsumi.
"Alam mo bang nag-alala ko sa'yo. Sabi mo tatawag ka pag nakauwi ka na, magdamag kong inantay tawag mo pero wala." seryosong tanong ni Katsumi habang nakahawak sa braso ko.
"Sorry kung di ko nasabi sayo. Sorry kung nag-alala ka pa pero wala namang nangyari sakin." sabi ko. Biglang hinampas ni Dj ang table sa tabi ng kama. Nagtinginan kaming tatlo sa kanya.
"Pinatay ko lang yung lamok. Hula ko dengue carrier to. tsk tsk tsk." nakangising sabi ni Dj.
"Sa susunod hindi ka na ulit pwedeng mag overnight duty dito. Baka may mangyaring masama sayo." pagpapatuloy ni katsumi habang nakatingin kay Dj.
"Ako naman ang kasama nya kaya siguradong walang mangyayare kay Kath." sagot ni Dj.
"Basta. Susunduin na kita lage tuwing out mo." sabi ni katsumi sabay hawak sa kaliwang pisngi ko. Ano ba tong nagyayare kay katsumi! Ang weird ng kinikilos nya.
"Sige." nakangiting sagot ko. Hinawakan ni Katsumi ang kamay ko sabay tingin kay Dj. Nakatingin sa isa't isa sina Dj at Katsumi ng masama.
"Ah. Dj! By the way. kamusta na pakiramdam mo?" biglang sumabat si julia.
"Ah. Ok na syempre. Nandito ka na e." pasweet na sagot ni Dj.
"Aww. You're so sweet!" kinikilig na sabi ni Julia sabay yakap kay Dj. Nakakabwiset to ha! Anong gusto nyang ipamukha sa kin?!
"Let's go Kath?" tanong ni Katsumi. Tumingin muna ako kay Dj at Julia. Nagpapasweetan pa din sila! Nakakakulo ng dugo!
"Sige." matipid at inis na sabi ko.
"Kath, gumaganti lang si dj. tara na." pasimpleng bulong ni Katsumi sakin.
"Ah. Sige, una na kame Dj tska Julia. Dahan-dahan lang sa ka-sweetan ha baka ipakagat ko kayo sa mga langgam este makagat pala kayo ng langgam. O pano alis na ko, I'll see you tomorrow na lang. Tara na 'BABE'." nakangiting sabi ko sabay hawak sa braso ni Katsumi. Kitang kita sa mukha ni katsumi ang pagkagulat nya sa mga pinagsasabi ko.
"Alam mo ba 'BABE' namiss talaga kita. Grabe! Isipin mo yun ilang oras lang kitang di nakita....*sings*♫ ♫ hinahanap-hanap kita.. Sa isip at panaginip, bawat minutong lumilipas. Hinahanap hanap kita. ♫ ♫ hahaha! Tara na 'BABE' ". selos na selos na pahabol na sabi ko. Lumabas na kami ng kwarto.
"BABE?!! Bwiset!" sabi ni Dj habang nakakunot ang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)