Chapter 23 - Katsumi's past

3.9K 55 27
                                    

*KATH POV*

Naglalakad lakad kame ni DJ sa mall. Tumitingin tingin at nag-iisip kung ano ba ang magandang iregalo kay Katsumi.

"Hoy Dj, ano ba balak mong bilhin? Para mapabilis tayo, bilhin muna naten yung regalo mo tapos yung aken naman."tanong ko.

"G-shock. Ikaw?" sabi ni Dj.

"Hmm. gusto ko sana na personalize para special. Siguro bibilihan ko sya ng sneakers tapos dedesignan ko. Parang yung sa favorite kong korean series." sagot ko sabay ngiti. Umirap si Dj.

"Baduy! Personalize-personalize pa. Tara na nga!" inis na sabi ni Dj. Kalalaking tao nagmomoodswings. Kainis!

Una kameng bumili ng G-shock. Ang gaganda, siguradong magugustuhan ni Katsumi ang napili ni Dj.

"One down! Tara na bilhin na naten yung baduy na 'personalize sneakers' mo." pang-aasar ni Dj.

Dumerecho kami sa Vans para bumili ng sneakers. Pinili ko yung color blue.

"Mas astig tong red!" sabi ni Dj sabay palit sa kinuha kong blue sneakers.

"Mas bagay sa personality ni Kats ang blue. Blue symbolizes calm, reserved. Hindi katulad ng 'iba' na bagay yung color red kase maingay, pikon, warfreak, ano pa ba.. hmm." sagot ko.

"Hoy hoy hoy! Nagpaparinig ka ba ha?" pikon na tanong ni Dj. Pero infairness, ang cute nyang mapikon.

"Hindi ah. Baka tinamaan ka lang talaga. Babayaran ko na to. Dyan ka na muna." sagot ko na may kasamang pang-inis na ngiti.

Ilang sandali lang ay natapos na din kame sa pamimili ng regalo.

"Ako na magdadala." sabi ni DJ sabay kuha sa paperbag ng sneakers. Sa minutong yun, pakiramdam ko bumalik kame sa dati.

"So pwede mo na sa king kwento yung kina Katsumi at Aria?"tanong ko.

"HA? may ganun ba kong sinabi?" sagot ni Dj.

"Ah ganon?" mataray na sabi ko. Ngumiti bigla si Dj at inakbayan ako.

"Joke lang! To naman di na mabiro! Magandang pag-usapan yan habang umiinom ng milk tea. Tara!" sabi nya. Pumasok kame sa Serenitea at umupo sa bandang dulo.

"Game na." sabi ko.

"Teka lang naman ha! Pwede ba munang uminom? Atat? may lakad?" nang-iinis na sabi nya sabay inom sa milk tea.

"Wala kong oras para magtagal dito. Di-designan ko pa tong sneakers. Bukas na b-day ni kats." sabi ko sabay irap.

"Eto na po boss!" sabi ni Dj na may hand gestures pa ng pag-salute. Nagpangalumbaba ako para makinig ng maigi sa kwento ni Dj.

"Bata pa lang nung lumipat kame sa isang condominium sa Mandaluyong tapos dun kame nagsimulang maging magkakaibigan nila Jc, lester, Seth at katsumi. One week after, pinakilala sa min si Aria na bagong lipat din sa condo unit. Kaya ayun, lage na namen syang kalaro, kasama hanggang mabuo yung parking five, sya yung #1 supporter namen." pagsisimula ni Dj.

"Ibig sabihin, childhood friend pala sya ni Katsumi." sabi ko. Tumungo bilang pag-oo si DJ at nagpatuloy ng kwento.

"Pero hindi lang sya basta kaibigan. Sa ming lima, kay katsumi sya pinaka-close. Siguro sa 24 hours sa isang araw. Nasa 16 hours silang magkasama. Tuwing umiiyak si Aria, si katsumi lang ang nakakapagpatigil sa kanya. Palagi syang pinoprotekrahan ni kats." dagdag ni Dj.

"Ibig sabihin... mahal nila ang isa't isa?" mahinang tanong ko. Tumungo ulit si Dj.

"Parang ganon na nga. Pero lahat nagbago nung birthday ni Katsumi 2 years ago..."kwento pa ni Dj.

*FLASHBACK* *DANIEL POV*

"Happy Birthday p're!" hyper na bati ko kay Katsumi.

"Ano? Hanggang greetings na lang tayo? San na regalo ko?" nakangiting sabi ni Katsumi. Inabot ko sa kanya ang regalo ko.

"O eto sa kin! Saksak mo sa baga mo!" tumatawang sabi ni Seth. Inabot din ni Lester at Jc ang regalo nila.

"Salamat mga brad! Asan na nga pala si Aria?" tanong ni Katsumi. Biglang pumasok si Aria na tumutugtog ng ukelele at kumakanta.

"Lucky i'm inlove with my bestfriend, Lucky to be coming home again.. Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh." kanta ni Aria habang nasa tapat ni Katsumi.

"Lucky we're in love in every way, Lucky to have stayed where we have stayed, Lucky to be coming home someday..." sumabay si Katsumi kay Aria. Ngumiti si Aria at saka hinalikan si katsumi sa pisngi.

"Happy Birthday!" nakangiting bati nya.

"Awwwwwwwwwwwwwwww!" sabay-sabay nameng asar ng tropa. Naging masaya ang gabi na yun hanggang sinabi ni Aria na bukas ay aalis sya ng bansa.

"Guys, i have a very important message to all of you. I'll be leaving tomorrow papuntang Japan. Natanggap ako sa music scholarship." nakangiting sabi nya. Nagulat kameng lahat sa sinabi niya.

"Bukas? Agad-agad? Teka lang Aria ha. Joke ba to?" tanong ni Seth sabay kamot ng ulo.

"I want to surprise you guys! Alam nyo naman na yun ang pangarap ko di ba?" sabi ni Aria. Natahimik kameng lahat. Tumingin ako kay Katsumi pero walang reaksyon ang mukha nya.

"Na-surprise mo nga kame." matipid at seryosong sabi ni Katsumi sabay alis.

*PRESENT TIME* *KATH POV* 

"Umalis sya? Anong nangyare kay Kats?" tanong ko.

"Oo, kinabukasan umalis si Aria pero wala ni anino ni katsumi kameng nakita. Halos 1 month din namen syang di nakasama. Pero may mas masakit pang nangyare." sagot ni Dj.

"Ano yun?" tanong ko. Affected na ko sa storya nila.

"3 months after ng pag-alis ni Aria, sumama na ulit sa min si kats. Nagpadala si Aria ng e-mail na may naka-attached na picture niya na may kasamang lalake. Nakakainis pa nun e kahawig nung lalake si Kats. Sabi ni Aria, boyfriend nya daw." pagkekwento ni Dj.

"Boyfriend? Pero bakit? Tska bat nya pa yung sinabi sa inyo? E alam nya naman na-" affected na sabat ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Dj.

"Hindi din namen alam kung ano ang sagot sa tanong mong yan. After din kase nun, nawala na ang communication namen kay Aria, nagsimula na din maka move-on si Katsumi sa mga nangyare pero ngayon, bumalik ulit si Aria at siguradong nasasaktan ulit si Kats." sabi ni Dj.

Ilang sandali ay umuwi na kameng dalawa. Pumasok ako sa kwarto ko ng may mabigat na dibdib dahil sa mga nalaman ko kanina.

"Kaya pala nung nakilala ko silang lima dati, may kakaiba sa aura ni katsumi na parang malungkot. And all this time, may tinatago pala syang lungkot sa sarili nya na hindi ko alam." kinakausap ko ang sarili ko. Yumuko ako sa table ko sa kwarto dahil sa pag-iisip.

"Palagi mo akong pinapasaya, tinutulungan pero wala akong magawa para sayo..."

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon