Prologue.

9K 107 26
                                    

"Ssssh. Wag kayong maingay. Gising na ata sya." pabulong na sabi ni Seth

"O? Totoo ba?" hyper na tanong ni Lester sabay akbay kay Seth na nasa tabi ng kama

"Ssshh! Wag kang maingay dyan mokong!" sabi ni Seth sabay pabirong batok kay Lester

Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Dj kasaby ng unti-unting paglinaw ng mga mata niya.

"Pare! kamusta ka na?" tanong ni Seth

Iniangat ni Dj ang kanang kamay niya at gumawa ng aprub sign.

"Yown! Ayos!" sagot ni Lester

Ngumiti si Katsumi at lumabas ng kwarto. Dali-dali niya akong pinuntahan sa couch ng rooftop ng ospital.

"Uy Kats! Kamusta na siya?" Nag-aprub sign si Katsumi.

"Ano tara na?" aya ni Katsumi.

Ilang minuto lang ay pumasok na kami sa kwarto ni Dj.

"Yo." bati ni katsumi

"Yo Kats! Ano gig na next week?" tanong ni Dj

"Woooooowwww! Parang wala lang nangyari ah! Mr. Padilla, bilib na talaga ako sa'yo!" sabi ko. 

"Sino to?" maangas na tanong ni Dj sabay turo sakin

"HA?! Pare, ayos ka na ba talaga?!" tanong ni Lester na may kasama pang pagkapa sa leeg at noo ni Dj

"Di ba sabi ko na sa inyo ayos na ko. Tska sino ba yang babaeng yan? Kats, bagong chicks mo ba? O baka sayo Lester? Seth? O kay Jc? Oo nga pala, asan na yung si Jc?" dere-derechong tanong ni Dj.

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo ha, Dj?" tanong ko.

"Nakakairita na talaga tong babaeng to ah. Hindi nga kita kilala." mas maangas na sagot ni Dj.

Kung kaya ko lang ibalik ang oras - mga oras bago pa nangyari ang lahat ng ito, mga oras na hindi ko pa alam na ganito pala kasakit ang makalimutan ng minamahal... Ginawa ko na. Pero bakit ganon? Nakatayo pa din ako sa harap niya, walang magawa kundi ang damahin ang bawat sakit ng pagkalimot sa akin...

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon