Chapter 15 - Bye, nurse Chandria.

4.2K 66 36
                                    

Kinaumagahan ay pinayagan na ko ng doctor pero bago ako umuwi ay pumunta muna ako sa kwarto ni Dj.

*tok tok* Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakaupo si Dj sa tabi ng bintana.

"Goodmorning." nakangiting bati ko. Lumingon si DJ sa kin.

"Baket nandito ka?" mahina pero maangas na tanong ni Dj. Lumapit ako sa kanya.

"Uuwi na din ako pero dinalaw muna kita para kamustahin." sagot ko. Tumayo si Dj at saka lumakad papalapit sa kin.

"Umuwi ka na. At wag ka ng babalik dito." maangas na sabi ni Dj. Magkaharap na kame ngayon.

"Ha? May problema ba?" tanong ko. Bigla nya kong hinawakan sa braso at saka isinandal sa pader.

"Ayaw na kitang makita ulit. Sabi naman ng doctor, anytime lalabas na din ako dito kaya hindi ko na kailangan ng personal nurse." maangas na sagot ni Dj habang nakatingin sa kin ng derecho. Ang lapit namen sa isa't isa.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ano bang ginawa kong mali?" mahinang sabi ko. Hinigpitan nya ang hawak nya sa braso ko. Ang sama ng tingin nya sa kin.

"Dj, ano ba?! Nasasaktan ako! Ano bang nagawa ka para magkaganyan ka?!" pasigaw na sabi ko.

"HINDI MO TALAGA ALAM ANG GINAWA MO?!" pasigaw na sagot ni Dj. Lalong humigpit ang hawak nya sa braso ko.

"Aray ko! Bitiwan mo nga ko! Hindi ko alam yang sinasabi mo!" sabi habang habang pumapalag.

"TALAGANG HINDI MO ALAM?! HINALIKAN KA NI KATSUMI DI BA?! DI BA?!" pasigaw at inis na tanong ni Dj. Natigilan ako. Ngayon ko lang nakitang ganitong kagalit si Dj.

"O BAKIT?! BAKIT NATIGILAN KA?! TOTOO DI BA? GINUSTO MO DIN KASE YUN!" dagdag pa ni Dj.

"Di ko naman yun ginusto e, naging mabilis ang pangyayare kahit ako ---" pagpapaliwanag ko pero bago pa man ako natapos ay biglang pasigaw na sumabat si Dj.

"SINUNGALING!" galit na sigaw ni Dj sabay suntok sa pader. Napaluha ako.

"Ano ba DJ! Tama na!" umiiyak na sabi ko. Binitawan ako ni Dj at saka lumayo sa kin. Nagdudugo ang kamay nya. Hahawakan ko sana siya pero tinaboy nya ang kamay ko.

"TAKSIL KAYONG DALAWA." matipid at mahinang sabi ni Dj. Bumalik sya sa upuan sa tabi ng bintana. Hindi kaya? Hindi kaya bumalik na ang alaala sa kin ni Dj?

"May naaalala ka na ba?" umiiyak na tanong ko. Tumingin sakin si Dj.

"Wala. At wala na kong balak na alalahanin yun. Kung yung nalimutan kong yun ang dahilan kung baket ganito tong di ko mapaliwanag na nararamdaman, pwes. Hindi ko na yun ulet babalikan. Kaya wala na kayong silbi sa kin."maangas na sabi ni Dj. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.

"Gusto ko lang naman na tulungan ka na mabalik ang alaala mo. Gusto ko lang naman na pasayahain ka, alagaan ka. Yun lang naman Dj ang hinihiling ko e, yung hayaan mo kong gawin yun sayo." umiiyak sa sabi ko.

"Sino ka ba sa akala mo ha? Sino ka ba para humiling ng ganyan sa kin? Sino ka ba?!" maangas na sabi ni Dj.

"Sino ako?! Sino nga ba para intindihin ka ng ganito? Sino kaya ako sa'yo? Dj, kase ako si Kath! Ako si KATH! Di mo ba yun naiintindihan? Di mo yun naaalala?"umiiyak na sigaw ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumerecho sa rooftop.

"Beep beep." lumingon ako.

"O kats? Bakit nandito ka?" tanong ko sabay punas sa luha ko.

"Tumunog ang Kath's radar ko. Ibig sabihin di ka ok." nakangiting sabi ni Katsumi sabay tabi sa kin sa couch.

"Tama nga siguro si mama. Hindi masamang magmahal pero kung masakit na, let it go. kase ang sakit sakit na Kats." umiiyak ako. Bumuntong hininga si Katsumi.

"O, para sayo libre ang payat kong braso." seryosong sabi ni Katsumi.

"Ano namang gagawin ko dyan sa payat mong braso?" tanong ko. Tumingin sakin si katsumi.

"Kahit ano. Iyakan mo o suntukin mo, kung gusto mo baliin mo pa e! Kung yan ang makakapagpagaan sa loob mo ngayon." nakangiting sabi ni Katsumi. Napangiti din ako.

Inikot ko ang braso ko sa braso nya at saka sumandal sa balikat nya.

"Welcome back Kath. Simula ngayon, wala ng nurse chandria. Wala ng magpapanggap. At sisiguraduhin kong hindi ka na ulit masasaktan." sabi ni Katsumi.

"Salamat Kats. Maraming salamat..." mahinang sabi ko.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon