*KATH POV*
Dali-dali akong pumunta sa ospital kung saan nakaconfine si katsumi. Nakita ko sina Jc, Lester at Seth sa labas ng emergency room. Papatakbo akong lumapit sa kanila.
"Nasaan si Katsumi? Ok na ba siya? Wala namang nangyareng masama di ba?" hinihingal kong sabi dahil sa pagmamadali at pag-aalala.
"Everything's okay. Stable na daw ang kundisyon ni Kats, maya-maya ilalabas na sya sa ER. Ginagamot lang yung mga sugat." mahinahong sabi ni Jc. Bumuntong hininga ako sabay ngiti.
"Mabuti naman. Makakahinga na ko ngmaluwag. Akala ko.. Akala ko talaga may masama ng mangyayare sa kanya." sabi ko sabay upo sa tabi ni Lester. Tinapik ni Lester ang balikat ko.
"Nako talaga. Paggising na paggising ni Kats, makikipag-ayos na ko. Isipin nyo, pwede syang mamatay ng magkaaway kame. That sucks bro!" sabi ni Seth.
"Hay salamat. Naguilty din!" tumatawang pang-aasar ni Lester.
"Ang kaibigan ay kaibigan at parking five tayo. Pare! Mga bata pa lang ata tayo magkakadugtong na mga sikmura naten!" nakangiting sabi ni Seth. Umapir si lester, nag-aprub sign si Jc, ngumiti naman ako.
"Maiba nga pala ko, ano ba talagang nangyare?" tanong ko. Tumingin si Seth at Lester kay Jc na para bang sya dapat ang mag-explain.
"Car accident. Pagkagaling ko sa inyo kaninang umaga. Tinawagan ko si Kats para papuntahin sa bahay. Gusto ko din kasing magkaayos sila nitong si Seth pero sabi nya pupuntahan daw nya si Dj. Tapos tumawag na lang sa kin yung nurse na nabangga na tong si Kats." pagkkwento ni Jc.
"Kay Dj? Bakit naman sya pupunta dun?" tanong ko. umiling si Jc.
"Di ko din alam. Pero ang huli nyang nasabi e tumutunog daw radar nya. tsk. Nakakatawa nga e. Mukhang adik di ba?" Sabi ni Jc. Bigla akong tumawa.
"O kath? Bakit ka tumatawa? Alam mo kung ano yung radar ni Kats?" tanong ni Lester.
"Kami lang siguro ang makakaintindi nun." nakangiting sabi ko. Nagtinginan lang silang tatlo.
"Oo nga pala Kath, sabi mo kanina e nasa ospital ka. Na inaantay mo si Dj?" tanong ni Lester. Tumungo lang ako bilang pagsang-ayon sabay baling ng tingin kay Jc.
"Tama ka Jc, dapat kong bigyan ng last chance si Dj. Last chance para sa ming dalawa. Pumunta ko ulit sa ospital dala-dala ang mga pictures, letters pati yung dress na binigay nya sakin. Umaasa akong sa huling pagkakataong to, maaalala na nya ko." sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)