Chapter 31

128 4 0
                                    


Nakapagtataka at mahirap mang paniwalaan pero hindi na ako ginugulo ng mga reporters tuwing lumalabas ako simula noong sinabi ni Kent sa harap ng media na girlfriend niya ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas mangamba dahil baka ibang gulo na naman ito. Napaka-unpredictable pa naman ng mga tao ngayon. Yung tipong pinagtatangol ka noon, ngayon kaaway mo na.

Napabuntong-hininga na lamang ako. May mas mahalagang bagay pa akong kailangang alalahanin kumpara dito at iyon ay si Lola Tess.

“Ate,” tawag ni Emily na kakalabas lang mula sa room na inuukupa ni lola. Umupo siya sa tabi ko. “Kanina ka pa?”

“Medyo. Kumusta si Lola?”

Huminga siya ng malalim. “Ayun, ganon pa rin. Hindi pa rin siya gumigising.”

“Kahit signs wala? Hindi man lang ba siya gumalaw?” nagbabakasakali at umaasang tanong ko.

“Hindi ate e,” ani Emily kasabay ng pagbagsak ng luha naming dalawa.

Napahikbi si Emily kaya niyakap ko siya. Dapat hindi ko pinapakita sa kaniya na mahina ako. Pero hinayaan kong umiyak at maglabas ng saloobin dahil hindi ko mapigilan.

Sa bigat ng pinagdaraanan namin sa lumipas na linggo, ni hindi namin namalayang tapos na ang pasko. Unang beses na walang handa kahit pancit. Unang pasko na hindi kami magkakasama dahil nasa raket ako nun. Pagkatapos bagong taon naman. Sana sa bagong taon, gumaling na si lola.

“Magiging okay din ang lahat, Ems. Magiging okay din ang lahat,” paulit-ulit kong sambit.




°•°•°•°




“Ate, kung huminto na lang kaya muna ako? Para naman may magbabantay kay Lola kapag nasa trabaho ka.”

Kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Emily.

“Ops, huwag magalit!” depensa niya. “Nasa ospital tayo bawal kumuda rito.”

“Malapit na kase ang pasukan. Sinong magbabantay kay Lola? Ayoko ko siyang iwan,” saad niya pa habang nakanguso.

“Ako.”

“Ha? Eh ‘di ba may trabaho ka Ate? Ano ‘yon, hahatiin mo katawan mo ganon?”

“Basta, gagawan ko ng paraan, okay? Tuloy ka sa pag-aaral,” deretsong sagot ko.

“Pero Ate, maawa ka naman sa katawan mo oh. Cashier at janitress ka na sa umaga, caregiver naman sa gabi, paano mo magagawan ng paraan? Halos hindi ka na nga natutulog e, konti na lang magmumukha ka ng zombie dahil sa eyebags mo, tingnan mo.”

Nagkibit-balikat ako. “Okay lang.” Kung ‘yon lang ang paraan para mapagamot ko si Lola at gumaling siya.

“Seryoso ka ba? Ang payat mo na nga. Tsaka Ate gusto ko lang namang tumulong.”

“Emily, kung gusto mong tumulong, mag-aral ka ng mabuti.” Sumandal ako sa pader at sinubukang matulog. “Kung naririnig ka ngayon ni Lola, paniguradong ganon din ang sasabihin niya.

“Bakit nag-aaral naman ako ng mabuti ah?”

“Mag-focus ka sa pag-aaral. Hindi yung uunahin mo pagfa-fangirl.”

Hindi sumagot si Emily kaya napadilat ako upang tingnan siya. Para siyang nagpipigil na umiyak na ewan.

“Sige na, huwag ka ng magalit. Sumunod ka lang sa sasabihin ko, malaking tulong na ‘yon Ems.”

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon