Chapter 22

176 11 4
                                    

“Sinabi mong nakapunta na dito si Liza, ibig sabihin malalaman din niya kung nasaan tayo,” sabi ko bago kumagat sa hawak kong burger. Baka nga papunta na ‘yon ngayon dito.


Natatawang umiling si Franco kaya kumunot ang noo ko. “Hindi ‘yon mangyayari dahil nagbibiro lang ako kahapon,” sagot niya.



“Ano?” Siningkitan ko siya ng mata. “Binibiro mo na ‘ko ngayon?”


Biglang sumeryoso ang mukha niya saka inabot ang isang kamay ko sa ibabaw ng mesa upang hawakan pero mabilis kong iniwas ‘yon. Umirap ako at kumain na lang ng burger.



“Hey,” malambing na sambit ni Franco at binitawan ang hawak na mug saka tumayo. Pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako habang nakapatong ang baba sa aking balikat. “I’m sorry, gusto ko lang naman makita ang reaction mo. I promise hindi na mauulit.”



Nagkibit-balikat ako at hindi siya pinansin. Kunwari galit pa rin ako. Gusto ko tuloy matawa dahil ang seryoso niya. Naisip kong pagtripan siya lalo kaya umakto pa rin akong galit saka tumayo kaya napabitaw siya. Nilagay ko sa alababo yung pinagkainan ko bago nagtungo sa sala. Sumunod naman sa’kin si Franco.



“Huwag mo nga akong sundan,” suway ko pero umupo pa rin siya sa tabi ko.


“Ella, huwag ka ng magalit, please? Love naman,” panunuyo niya. Binuksan ko yung TV. “I love you.”



Hindi ko pa rin siya pinansin at nanood lang ng palabas habang pinipigilan ang sarili na ngumiti. Kita ko sa gilid ng aking mata na sa’kin siya nakatingin, hinihintay ang sasabihin ko. Nang hindi ako umimik ay lumapit pa siya sa’kin at pinatong ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko.



“Ella, mahal kita. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako,” saad ni Franco sa mababang boses.


“I don’t love you.” Lumingon ako upang tingnan ang reaksyon niya.


Hindi siya makapagsalita at kumurap-kurap na nakatingin sa’kin. “Ano? Seryoso ba ‘yan?” tanong niya nang tumagal.


“Joke!” Tumawa ako habang tinuturo ang mukha niya. Nang makitang seryoso ang mukha ni Franco ay napatigil ako sa pagtawa at niyugyog siya sa balikat. “Binibiro lang din kita. I love you, love.”

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hinawakan ni Franco sa magkabilang balikat at tinulak kaya napahiga ako sa couch. Ang lapit ng mukha niya sa’kin na halos iisang hangin lang ang hinihinga naming dalawa habang ang dalawang kamay niya ay nakasuporta sa magkabilang gilid ko.

“L–love, nagbibiro lang ako,” kinakabahang sabi ko dahil seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa’kin.


Napalunok ako at ngumisi siya. Unti-unting nilapit ni Franco ang mukha niya kaya napapikit ako at hinintay na dumampi ang labi niya sa labi ko pero walang dumating. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya dumilat ako at tinignan siya ng masama.




Mahinang tinapik ko siya sa dalawang balikat. “Alis nga,” naiinis kong sabi habang nakatingin pa rin siya sa’kin at natatawa.


“Bakit?” pang-aasar ni Franco.



Hindi ko siya pinansin at aalis na sana nang bigla niya akong halikan kaya tumama ulit yung ulo ko sa upuan. Napapikit ako at dinama ang halik at parang awtomatik na pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa kaniyang leeg.


“I love you,” bulong niya sa tenga ko dahilan upang maramdaman ko ang kakaibang boltahe sa aking katawan.



“Mahal din kita,” sabi ko saka tumigil at nagmulat. Sinalubong ako ng malalalim na titig ni Franco habang abot-abot ang aming paghinga. Ngumiti ako at nilagay ang hintuturo ko sa gitna ng mata niya saka binaba hanggang sa dulo ng kaniyang ilong na parang sinusukat.



The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon