Chapter 33

132 7 3
                                    


Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aayos ng libing ni Lola. Ayoko na sanang patagalin pa para hindi mas lalong masakit kaya naisipan namin ni Emily na huwag ng patagalin ang lamay.

Sawa na ako sa condolences parang mas lalo lang tumatatak sa isip ko na nawalan kami.  Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na si Lola. Parang bangungot lang ang lahat. Pati si Emily, palagi ko siyang nakikita sa sulok na umiiyak. Mabuti na lang naroroon ang mga kaibigan niya at kino-comfort din siya.

Nakatitig lang ako sa puting kabaong ni Lola nang biglang may tumapik sa aking balikat at umupo sa tabi ko.

Nagulat ako nang makita si Kent. Sumunod si Rain, Ryan at Ate Jo na isa-isa akong niyakap.

“Ngayon lang namin nalaman,” malungkot na sabi ni Rain.

“Stay strong ka lang.” Ngumiti si Ate Jo. Tumango ako at tipid na ngumiti pabalik.

Pumunta sila sa harap kaya naiwan kaming dalawa ni Kent. Hindi siya nagsasalita kaya napalingon ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Sorry, hindi ko sinabi.”

Kahit papaano nagi-guilty din ako.

Umiling siya na parang sinasabing wala ‘yon. “Sayang, mamimiss ko si Lola. Kahit papaano napalapit na rin ako sa kaniya,” sabi ni Kent sa mababang boses, pinipigilan ang sariling maging emosyonal.

“Sorry, hindi ako nakatulong,” dagdag niya pa at napayuko.

Parang may kirot sa puso ko nang marinig iyon. Bigla na lang may tumulong luha sa pisngi ko.

“Wala kang kasalanan. Sorry talaga,” sabi ko habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha ko. Nakakainis dahil hindi naman ako naiiyak kanina. Akala ko naubos na sila.

Bigla namang lumapit si Kent at niyakap ako. Hinayaan ko lang ang sariling umiyak sa mga bisig niya.

“Magiging okay rin ang lahat,” ani Kent sa malumanay na boses. “Kapag kailangan mo ng kausap o kaibigan, nandito lang ako.”

“Ella, nakikiramay kami,” sabi ni Aling Amanda, isa sa mga kapit-bahay namin at kaibigan ni Lola. Kasama niya ang kaniyang asawa na si Mang Abet.

“Salamat po.” Tumango ako at ngumiti ng tipid nang hawakan niya ang kamay ko.

Kakatapos lang ilibing si Lola Tess. Isa-isang nagsialisan yung mga tao. Nakaharap pa rin kaming dalawa ni Emily sa puntod ni Lola, tila ayaw umuwi.

Napalingon ako sa likod ko. Naroon sina Rain, Ryan at Kent. Ngumiti ako ng konti at tumango naman sila bago ko muling tingnan si Emily. Nilagay ko ang aking kamay sa balikat niya at marahang tinapik-tapik.

“Uwi na tayo?”

Mahinang tumango si Emily saka pinunasan ang konting luha sa mata niya.

Dala ni Kent ang kaniyang sasakyan niya kaya dito kami sumakay lahat. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay, parang may malamig na hangin ang sumalubong sa'min at isang nakakabinging katahimikan.

Dahil nandito sina Rain ay nagkaroon ng konting ingay. Dumiretso naman si Emily sa kaniyang silid.

“Ipagtimpla ko lang kayo ng juice,” paalam ko sa tatlo.

Umiling agad si Ryan. “Huwag na. Kakakain lang namin kanina 'no,” sabi niya saka tumayo. “Mabuti pa magpahinga ka muna Ella, pagod ka e.”

Natawa ako. “Wow, mas kilala mo pa sarili ko, ganon?”

“Kita mo, nagmamaldita na siya, girl!” Bumaling siya kay Rain na parang nagsusumbong.

Napailing ako at ngumiti. “Okay lang ako.”

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon