“Ella?”
Ang tanga ko talaga!
“Huy baklaaa! Umiiyak ka ba?”
Huh? Napatingala ako Kay Erika na nasa harapan ng table ko ngayon.
“Mababasa na yung script oh.” Tinuro niya ang papel na hawak ko gamit ang nguso niya at pagtingin ko dito, may mga dot-dot nga.
“N-nakakaiyak kasi tong script na binasa ko eh, t-try mo kaya?” Inabot ko Kay Erika ang makapal na papel pero di naman niya tinanggap kaya binaba ko na at nilapag sa table.
“Susss.. Lokohin mo ang sarili mo Ella pero huwag ako. Alams na,” confident na tugon ni Erika. Siya ang bestfriend ko simula high school. Siya rin yung— Ah. Ewan. Eric talaga ang totoong pangalan niya.
Alam na naman pala niya eh bakit niya pa tinatanong? Loka-loka rin tong kaibigan ko eh. Gusto pa akong ibuking.
“Bakit mo pala ako tinatawag kanina?” pag-iiba ko sa usapan.
“Wala lang. Nakita kasi kitang tulaley dyan habang nakatingin sa script. Nagbabasa ka ba talaga o may inaalala?” echoserang tanong ni Erika habang nakataas yung isang kilay niya.
“Syempre nagbabasa ano pa nga ba? Kaya nga ako naiyak dahil sobrang nakakadala naman talaga,” pagsisinungaling ko.
Ang totoo ay naalala ko na naman ang araw na iyon. Tuwing may nababasa akong break up scene sa script na naka-asign sakin ay naaalala ko ang araw na yun.
“Patingin nga.”
Mapilit talaga ang baklang to. Hmmp!
“Huwag na, dun ka na. Shooo,” pagtataboy ko kay Erika. Napaka-echosera kasi. Pero kahit ganun syempre mahal ko yan.
“Grabe ka bakla! Maka-alis na nga,” inip niyang sagot.
“I lab youuuuu!” pahabol kong sabi habang papaalis sa table ko at kinawayan lang ako nang nakatalikod.
Pagkatapos ng shift ko ay nagmadali akong magligpit. Kailangan ko pang bumili ng hapunan namin at gamot ni Lola. Mauubos pa naman yun ngayon. Pero syempre bago ako makaalis sa office ay narinig ko na naman ang chismisan ng mga officemate kong babae.
“Hayyy! Ang gwapo talaga ni Franco,” sabi ni Ashley habang nakatingin sa poster ng lalake na nasa gilid ng table nito.
“Sana naging shorts nalang ako,” parang Ewan na sabi naman ni Faye.
“Sana naging camera man nalang ako. Kyaaaah! Araw-araw kong makikita yung abs niya. Yumyum!” malanding sabi ni Erika. Napailing ako. Sinasabi ko na nga ba may pagnanasa ang baklang ‘yon sa— Kay Franco, artista yun eh. Tss.
Buti nalang di nila ako napansing lumabas. Ayaw kong masangkot sa pagnanasa nila magkasala pa ako.
°•°•°•°
Nasa pintuan pa lang ako ay narinig ko na ang pagtili ni Emily. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nagpapadyak sa kilig habang nanonood ng TV.
“Hi ateee!”
Buti naman at napansin ako. Umupo ako sa sofa at nilapag sa maliit na table ang dalang pagkain ko saka inalis ang aking suot na sandals.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...