Prologue

755 16 0
                                    

Tangiiii!” tawag ko sa papalapit na si Franco habang nakangiti at ganun din siya.

Grabeee ang gwapo niya talaga. Hanggang ngayon kahit mag-iisang taon na kami hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko siya. Para bang habang tumatagal mas lalong gumagwapo siya sa paningin ko. In love eh?
Hindi nga ako makapaniwala na magkakagusto siya sakin dahil sino ba naman ako? Isang probinsyana lang naman na pumuntang siyudad para mag-aral. Hindi naman sa pangit ako, ang ganda ko nga eh. Chz! Sabi yun ng nanay ko.
At sa dinami-daming babae na nagkakandarapa sa kanya eh ako talaga ang nagustuhan niya. Siya kasi yung tipo ng lalake na mapapalingon ka talaga sa kanya kapag napadaan sa harap mo.

Tangi? Ganun na ba talaga ako ka gwapo at napatulala ka dyan?” nakangising sabi ni Franco.

Oo!” sagot ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya. Nanggigil ako.

Napatingin naman yung ibang estudyante na babae sa amin tapos nagbulong-bulongan pero hindi ko na inalam dahil wala rin along pakialam. Simula noong sinagot ko si Franco ay maraming nagalit sakin. Inirapan ko nalang sila. Inggit Lang ang mga yun dahil boyfriend ko ang isang Franco Lawrence hoho!

“Okay lang kahit manggigil ka sa akin tangiBasta ako lang ang panggigigilan mo ng ganyan.”

Ngumiti ako at binitawan na yung pisngi niya. Mukhang namumula na sa kakapisil ko eh.
Umupo si Franco sa tabi ko at binigay niya sa akin ang siopao at yakult na binili niya para sa aming dalawa. Kaagad ko itong kinain at ganun din siya.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon