Amoy beer at nakakasilaw na disco lights ang sumalubong sakin sa loob ng club. Matagal na rin nung huli kaming pumunta dito pero familiar pa rin sakin ang buong lugar na to. Tuwing may celebrations ay dito kami pumupunta.
Umupo na kami sa pwesto namin habang pumunta naman sa counter para um-order ng drinks si Erika. San Mig light ang madalas nilang inomin habang flavored beer lang yung akin. Pero ngayon, parang feel kong malasing.
Nasa rounded table kami nakaupo. Katabi ko si Erik sa right side at si Faye naman sa kabila. Katabi niya si Ashley tapos si Tony, then sir Ben at katabi naman niya si Soleil, ang nag-iisang author samin na katabi rin ni Erika sa kabilang side. Sina sir Mark at ma'am Jen ang dalawa pa naming kasamahan na wala dito dahil may kanya-kanya silang lakad at importanteng gagawin.
Parang magbarkada lang kami kapag nasa inoman kahit magkaiba yung ranks namin sa trabaho. At pamilya naman kung ituring namin ang isa't isa. Paniguradong mamimiss ko sila dahil iba yung samahan na nabuo namin sa loob ng office. Kahit ako yung pinakahuling naipasok sa kompanya, never nila akong tinuring na iba o baguhan lang. Grabe yung pagwelcome nila na pinangunahan ni Erika. Welcome party kumbaga. Haha! First time kong uminom ng alcoholic nun.
Never din kaming naghilaan pababa dahil iisa ang layunin namin na makilala ang kompanya at ang mga authors nito. Ngayon hindi na namin maipagpatuloy pa yun dahil hanggang dito nalang kami.Canned beer ang in-order ni Erika dahil trip niya raw tapos may chichirya at sisig na siyang pulutan namin.
"Walang susuko sa hamon ng buhay ah!" tugon ni sir Ben sa aming lahat. Siya yung tinuturing naming tatay sa office dahil siya ang pinakamatanda. Itinaas niya yung beer niya saka nagcheers kaming lahat.
"Magtatagumpay din tayong lahat! Huwag lang kayong susuko mga anak," sabi niya pa at tumango kami.
"Waaah! sir Bennn," sambit ni Erika. "Mamimiss ko po kayo at ang mga pangaral niyo."
"Oo ngaaaa.. sayang baka matagal pa bago tayo magkikita ulit," malungkot na saad ni Ashley saka uminom.
Sa tingin ko rin.
"Dapat kapag nakita ko kayo ulit after 2-3 years successful na kayo ha," nakangiting sabi ni sir Ben.
"Or pwede ring 5 years from now successful na kayo sa kanya-kanyang career tapos may asawa't anak na rin," sabi niya pa at tumawa.
"Pag sakin po sir, mukhang malabo pong mangyari yun!" sagot ni Erika at tumawa kaming lahat.
Oo nga naman, paano siya magkaka-asawa't anak? Hehe. Unless panindigan niya ang pagiging isang tunay na lalake.
"Ikaw Ella," tawag sakin ni sir Ben at napatingin naman ako sakanya.
"Po?"
"Huwag kang magpapakita sakin hanggat wala kang asawa o kahit boyfriend man lang," sabi ni sir Ben na may halong pang-aasar.
Geez. Pati ba naman si sir Ben?!
"Ehh sir, 26 pa po ako magjojowa. Dagdagan niyo pa ng isang taon," reklamo ko na ikinatawa nila.
Akala siguro nila nagbibiro ako. Errr.
"Sinasabi mo lang yan Ella, pero kapag ang puso tumibok at na-inlove babawiin mo rin yan," pangaral ni sir Ben. Sumang-ayon naman sila at tumango-tango pa.
"Hindi mangyayari yun," bitter kong sagot at uminom.
"Pupusta ako! Kapag ikaw nanalo Ella, magiging lalake ako for real," seryosong sabi ni Erika.
"Game rin ako!" excited na sabi ni Faye. "Tatanda akong dalaga kapag hindi ka na-inlove tulad ng sabi ni sir Ben."
Tumawa ako. Nahihibang na ata sila.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
De TodoSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...