Chapter 7

213 8 0
                                    

Ngayon ko lang nalaman na hindi pala madali ang pagiging personal assistant ng isang artista. Kung gaano ka busy ang schedule ni Franco ay ganun din sakin dahil nakasunod lang naman ako sakanya. Lagi niya pa akong inuutusan. Nakakainis dahil para siyang disabled person kung makapag-utos.

Noong una ay hindi naman siya ganyan pero nang tumagal ay parang inaabuso ang pagiging p.a ko, wala naman akong magawa dahil siya pa rin ang amo ko. Kapag napuno talaga ang pasensya ko sa lalakeng yun, bibikwasan ko siya. Mag-iisang buwan na ako kaya nasanay na rin ako sa ugali niya at nawala na yung awkwardness. Syemperye ay hindi ako papatalo dahil kinaiinisan ni Franco ang pagiging maingay at pagtatalak ko.

"Ella!" Narinig kong sigaw ni Franco sa labas. Nandito ako sa tent, nagpapahinga. Dahil hindi ako sumagot ay pumasok siya at tumayo sa harapan ko.

"Ano?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Wala naman, bigla ka kasing nawala eh."

Hindi ko na siya pinansin at nagcellphone nalang.

"Kunan mo nga ako ng picture tapos post mo sa instagram," tugon ni Franco tapos umatras siya ng konti at nagpost doon.

Kasama ba yun sa trabaho ko?

"Ayoko nga!" Binalik ko ang atensyon sa cellphone at binuksan ang facebook app.

"Inuutusan kita," madiing saad ni Franco. Napaangat ako ng tingin sakanya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

Hinahamon niya ba ako? Hindi ako nagpatinag at tumitig din pabalik. Biglang nagflashback sa akin noong high school pa lang kami at madalas kaming magtitigan contest tapos sabay na tatawa ng malakas.

Biglang tumikhim si Franco at tumingin sa ibang bagay sa paligid. I won!

"Fine, kahit huwag mo ng e'post. Kunan mo nalang ako ng picture."

Pumayag nalang rin ako dahil alam kong hindi niya ako patatahimikin kapag hindi ko siya pinagbigyan. Tinapat ko na ang cellphone ko at ni'click ito ng maraming beses. Lumapit naman sakin si Franco upang tignan ang mga kuha kong pictures. Umikot siya sa likuran ko para makita ang mga ito. Naramdaman ko nalang ang hininga niya sa gilid ng aking tenga. Tapos yung kamay niya nasa gilid ko at ganun din yung isa.

Omg. Bakit ba ang lapit niya!

"Ang gwapo ko dito oh," pagpupuri niya sa sariling picture. Nakapamulsa siya doon at nakangiti ng konti.

Umismid ako. Ang hangin!

"Panget! delete ko na," pagbibiro ko kaya naman mas inilapit niya ang kanyang mukha sakin at tinitigan ako, yung parang sinusuring mabuti ang mukha ko.

Gosh! Gusto kong umalis at tumayo pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Para akong na estatwa sa aking inuupuan. Hindi ako bumigay at nakatingin pa rin sa cellphone.

"Baka lumalabo na ang mga mata mo.. ipa'check up na natin," sabi ni Franco habang nakatitig pa rin sakin. Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng masama. Nararamdaman ko rin ang hininga niya sa mukha ko.

Napapikit ako at inamoy ito, parang mint. Ang bango talaga!

Binuksan ko ang dalawang mata ko at nakatingin pa rin si Franco. Nanlaki ang mata ko habang nakangisi naman siya. Anong ginawa ko?

Nagpatay malisya na lamang ako kahit pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking dalawang pisngi.

"Ehem.."

Sabay kaming napalingon ni Franco sa may pintuan. Nakatayo doon sina Ryan, Liza at Rain. Tumuwid naman si Franco at agad na napatayo ako.

"Uh.. balik trabaho na ba ulit?" tanong ko habang hindi makatingin ng diretso sakanila. Hindi ako bobo para hindi ma-gets ang iniisip nila.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon