“Ate sa totoo lang nagtatampo ako sa’yo. Pero syempre naiintindihan kita at mahal kita kaya ayos lang. Madami ka ng nagawa para sa pamilya natin kaya kung saan ka masaya susuportahan ka namin ni Lola.”
Napangiti ako saka hinila si Emily at niyakap. Nakangiting tinignan kami ni Lola. Sa wakas, nasabi ko na rin sa kanilang dalawa ang lahat.
“Salamat Ems. Kayong dalawa ni Lola ang lakas ko kaya hindi ko alam ang gagawin kapag nagalit kayo sa’kin.”
Humiwalay kaming dalawa. Lumapit naman ako kay Lola na nakaupo sa kabilang couch at niyakap.
“Basta huwag ka na ulit maglihim apo, masama iyon, hmm?”
Humiwalay ako sa yakap at tumango. “Opo Lola, pangako.”
“So kailan ang kasal, Ate?” biglang sabad ni Emily.
“Wala pang date, hindi pa namin pinag-uusapan. Tsaka hindi ko pa talaga ‘yon iniisip, masyado pang magulo.”
Ngumisi naman si Emily. “Grabe ang haba talaga ng hair mo Ate! ‘Di pa rin ako makapaniwala na yung iniidolo ko future brother-in-law ko pala, gosh!”
“Oy Emily ah, baka kung ano-ano na pino-post mo sa social media bawal ‘yon. Tsaka huwag ka rin magkukwento ng kahit ano sa mga kaibigan mo.”
Ngumuso siya. “Oo na, feeling ko nga ang sama-sama ko kasi may ‘di ako sinasabi sa kanila. Sabay pa man din kaming nag-fa-fangirl kay Franco.”
Bumuntong-hininga ako. “Basta para sa ikabubuti ng lahat ang gagawin mo, walang mali doon.”
Tumango si Emily. Hinatid ko na rin si Lola sa kaniyang kwarto upang magpahinga. Sinamahan naman ako ni Emily sa sala habang kaniya-kaniya kaming dalawa ng pindot sa aming cellphone.
“Ang toxic din talaga ng ibang fans, bakit hindi na lang nila tanggapin?” Bumuntong-hininga si Emily matapos mabasa ang mga negative comments mula sa netizens at fans ni Franco.
“Basta Ate, huwag mo silang isipin. Nandito naman kami ni Lola palaging naka-support sa’yo,” dugtong niya pa kaya ngumiti ako ng tipid.
°•°•°•°
Nagbabasa ako ng articles sa internet nang biglang may nagshare ng isang maikling video ni Franco at less than one minute lang. Kinakabahang pinindot ko ito saka nagplay ang video.
“Is she the one?”
“For me, yes. She’s like an answered prayer. Sana maintindihan ‘yon ng lahat. I love her and I will do everything for her.”
“What is your message to your fans?”
“Maikli lang ‘to. Please stop racial discrimination, life is short kaya mahalin natin ang ating kapwa.”
At doon natapos ang video. Magbabasa pa sana ako ng comments nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Rain.
“Hello?”
“Ella, magre-retiro na raw si Franco. Biglaan nga eh, ayaw na niyang pumunta sa taping. Wala ba siyang sinabi sa’yo? Paki-contact naman siya oh nagagalit na kasi si direk,” sabi ni Rain sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
CasualeSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...