Chapter 9

195 9 0
                                    

Kasalukuyan kaming nandito sa parking lot ng A Mall habang naghihintay kay Franco. Akala ko pa naman nandito siya tapos minadali niya pa akong pumunta dito. Kung dati ay siya ang naghihintay sa'kin, ngayon ako na ang pinaghihintay niya. Geez. I had to stop.

Ilang minuto pa at sa wakas ay dumating na din ang magaling kong amo.

“Hindi ko alam na dalawa na pala ang personal assistant ko ngayon,” masungit na sabi ni Franco nang makita niya kaming dalawa ni Kent pagkababa ng kaniyang sasakyan.

Kung kanina ay naiinis ako, ngayon ay nadagdagan ito ng pagkadismaya. Wala ba talaga siyang respeto? Hindi niya ba kilala kung sino ang kasama ko?

“Hinatid niya lang ako since magkasama naman kaming dalawa noong tumawag ka,” mahinahong sabi ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nandito si Kent. Baka isipin niyang wala akong respeto sa amo ko at magsisi pa siyang binigyan niya ako ng trabaho. Shocks.

“So pwede ka ng umalis Kent,” saad ni Franco at napatingin naman ako sa kaniya.

Sasagot na sana si Kent nang pinigilan ko siya.

“Hindi siya aalis. Ano ba kasi ang dahilan at pinapunta mo ako dito?”

Halatang nagulat si Kent nang sabihin ko 'yun dahil napalingon siya sa'kin. Kumunot naman ang noo ni Franco na halatang hindi nagustuhan ang sagot ko pero binawi din niya agad.

“Para bumili ng groceries, wala na kasing pagkain sa condo,” diretsong sagot niya.

“Fine. Para matapos na.” Humarap ako kay Kent saka ngumiti ng konti. “Salamat sa paghatid. Mauna ka na, sasakay na lang ako ng taxi mamaya.”

Hindi naman pwedeng isama ko siyang mag-grocery. Paniguradong hindi siya sanay dahil mayaman naman siya.

“No Ella, kung gusto mo samahan na lang kita.”

Bakit ba napakabait ng lalakeng 'to?

Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Franco.

“No need, nandito naman ako.”

Napairap ako. “Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?”

“Hindi pa ba sapat ang binabayad ko sa'yo Ella?”

Parang binuhosan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niyang 'yun. Ganoon ba? Kaya ba ganito ang pakikitungo niya sa'kin dahil sa malaking suweldong binabayad niya?

Huminga ako ng malalim at pumikit upang pigilan ang sarili. Tama naman siya eh, malaki nga ang binabayad niya.

“If you don't want to do it, then you can go.” Tumalikod si Franco sabay suot ng shades saka cap at naglakad patungo sa entrance ng mall.

“Sumunod na lang tayo sa kaniya. Baka pagkaguluhan pa 'yun mahirap na, tara,” saad ni Kent sabay hila sa'kin upang sundan si Franco.

Napa-buntong hininga ako. Muntik ko ng makalimutan, artista pala siya.

Sa una ay hindi kami napansin ni Franco habang nakasunod sa kaniyang likod. Hindi naman siya lumilingon at parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Nang mapansin ko na kung ano-ano na lang ang nilalagay niya sa push cart ay lumapit ako.

“Sigurado ka bang bibilhin mo 'to? May allergy ka sa almonds 'di ba?” sabi ko saka kinuha ang isang pack ng almonds na nilagay niya kanina. Napatigil naman siya.

“Favorite 'yan ni Liza,” sagot niya habang namimili ng iba pang bibilhin niya.

Kaagad ko naman itong binalik sa cart at tumango. Kay Liza pala eh.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon