Chapter 4

292 13 3
                                    

“El, okay ka lang?” tanong ni Kent dahil nakayuko ako. Nagkunwari akong nagtetext dahil nasa gilid ko si Franco. Bakit ba siya nakatayo dyan?!

“Yeah, nagtext kasi yung kapatid ko eh. Wait lang, mukha kasing importante,” palusot ko. Naisipan kong itext si Erika.

Nandito si Franco sa hotel!!’ sabi ko sa text at nagreply naman kaagad siya.

Bebs Erika:

OEMGEEEE! Nakakainggit ka namang bakla kaaaa. Ano na nangyare?

Oemgeee talaga! Huhu. Anong gagawin ko? Nakita niya ako waaaah!’

Bebs Erika:

Shunga ka pala, ano ngayon kung nakita ka? Hayaan mo na.

Magrereply na sana ako nang maalala kong kasama ko pa pala si Kent. Binaba ko na ang cellphone ko at umayos ng upo. Wala na din si Franco sa gilid ko. Pero alam kong nasa likod ko lang siya kaya huwag kang lilingon Ella.

“Sorry Kent.. emergency lang, ano nga ulit yun?”

Naintindihan naman ni Kent nang marinig niya ang salitang emergency at mukhang nag-alala pa yung mukha niya.

“Okay lang. Wala namang masamang nangyari?”

Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy siya sa pagdiscuss sa trabaho ko. Since may experience naman ako sa pagiging proofreader ay gagawin niya akong assistant ng scriptwriter. Nalaman kong isa pala siyang producer na sumesegwey din bilang celebrity hosts. Gosh! Nakakahiya talaga hindi kasi ako nanunuod ng TV eh. Hindi siya gaanong kilala katulad ni Franco at iba pang artista dahil madalas talaga ay nasa likod siya ng camera. Kaya pala ang gwapo niya tapos mala-artista yung dating.

Pagkatapos kong malaman lahat tungkol kay Kent ay humingi ako ng paumanhin sa mga kilos at pananalita ko dati. Sobrang nakakahiya, kinapalan ko na ang mukha ko. Ang bait-bait pala nung tao tapos tinarayan at tinurn down ko pa ng ilang beses in a harsh way.

Nang maisipan na naming umuwi ay sinabi ko kay Kent na mauna na siya dahil may pupuntahan pa akong kaibigan na nandito sa hotel. Nung una ay parang hindi siya naniwala pero napapayag ko rin siya nang sinabi kong itetext ko siya kapag nakauwi na ako. Nagpasalamat ulit ako at humingi ng sorry. Kahit mataray at aminado akong maldita ako marunong pa rin naman ako humingi ng sorry kapag alam kong ako talaga ang may sala.

Pumasok kaagad ako sa restroom at nagtambay saglit. Kapag may pumapasok ay kunwaring nagreretouch ako. Paulit-ulit ko lang ginawa yun. Parang tanga lang. Ang totoo ay hinihintay kong umalis sa inuupuan niya si Franco dahil ayokong  dumaan sa gilid niya. Halos kalahating oras din ako naghintay nang may pumasok sa restroom na nasa mga 40s.

“Uh, hello po. Nasa labas pa rin ba si Franco Lawrence?” tanong ko sa Ginang at parang lumiwanag naman ang mukha niya.

Gosh, pati matatanda fan din niya.

“Wala na ata eh. Mukhang umalis na kanina pa, sayang hija di mo nakita.”

Gusto kong sabihin na hindi ko naman siya gustong makita kaya nga ako nagtatago dito sa loob ng restroom. Kaso baka magalit mukhang fan pa man din niya.

“Sige po, salamat.” Lumabas ako ng restroom at sumilip sa hallway. Wala na nga doon si Franco. Para naman akong nabunutan ng tinik. Akala ko doon na ako sa loob ng restroom matutulog eh.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon