Kagabi ay nagsalita na si Franco sa media tungkol sa confession ni Shannen. Nakita ko lang iyon sa telebisyon dahil nakauwi na ako noong inanyayahan siya ng short interview. Klinaro niyang kaibigan lang ang turing niya kay Shannen. Nang tanungin siya kung may babaeng nagpapasaya sa kaniya ay secret ang kaniyang sinagot.Nagkagulo ang fans ni Franco sa social media dahil doon. Kaya pagkarating ko kanina sa set ay tinukso agad ako nina Rain at Ryan. Sinasabi nilang ako yung tinutukoy ni Franco. Assuming lang?
“Cut!” sigaw ni direk. “Good job guys! Break muna tayo.”
Nakita kong naglakad palapit si Franco sa tent kaya inunahan ko siyang pumunta doon. Nagkanya-kanyang pahinga naman ang production staffs.
Nakangisi si Rain nang umupo ako sa tabi niya.
“Ano?”
Ngumuso siya na parang may tinuturo. Sinundan ko ‘yon ng tingin at nakita ko si Franco katabi ni Liza. Nag-uusap sila at mukhang seryoso.
“Oh, tapos?” tanong ko kay Rain, magkasalubong ang dalawang kilay.
“Sungit ni Ati! Selos ka?” Tumawa siya.
Hindi ko napigilan at napangiti na rin. “Sinasabi mo dyan, hindi noh.”
“Okay lang ‘yan girl, ikaw pa rin ang mahal.” Tumawa ulit siya saka nanuod ulit ng video sa cellphone niya. Naadik sa panunuod ng vlog.
Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa gawi nina Franco at Liza, nagtatawanan na sila ngayon. Siniko pa ni Liza si Franco nang may sabihin ito sa kaniya. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Franco kaya umiwas agad ako.
Geez. Nahuli niya ako! Kinuyom ko ang aking palad sa ibabaw ng hita ko, nagsisising ginawa ko ‘yon.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko mula sa aking bulsa at saktong may text na dumating.
F:
Can you get my tumbler sa loob ng sasakyan, please?
Tumaas ang isang kilay ko at nag-angat ng tingin. Nilagay ni Franco yung cellphone niya sa kaniyang bulsa habang may sinasabi kay Liza. Tumayo ako at nagtungo sa sasakyan niya. Hindi ko nakita ang sinasabi niyang tumbler kaya lumabas ako at gulat na tumingin kay Franco.
Sumunod pala siya, bakit niya pa ako inutosan?
“Wala namang tumbler sa loob. Ikukuha na lang kita ng bottled water,” mahinang sabi ko at nilagpasan siya.
“I don’t need the water. I wanted to talk with you, alone,” aniya kaya napatigil ako sa paglalakad.
Ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya habang nakatingin sa likod ko. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero walang dumating kaya umalis ako.
Bumalik naman sa pagroll ang camera kaya hindi kami nakapag-usap. Hanggang sa matapos ang taping, tahimik lang akong nagliligpit ng gamit. Pinasadahan ko ng tingin si Franco. Nakapagbihis na siya ng bagong damit at papunta na sa kaniyang sasakyan. Bigla akong siniko ni Rain kaya napatingin ako sa kaniya.
“Nag-aya ng dinner si Franco sa condo niya. Bawal tumanggi.”
“Kasali ba ako sa inimbita?”
“Girl, tinatanong pa ba ‘yan? Syempre naman!”
Bakit hindi niya ako sinabihan?
“Sa’kin lang sinabi at ako na daw ang magsabi sa inyo,” singit ni Ryan.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...