“Bitawan mo nga ako,” sabi ko dahil nakayakap siya sa'kin. Close contact! Parang nasusunog ang balat ko sa sobrang init ng katawan niya.Nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya para malaman ko kung may lagnat siya pero hindi naman mainit. Sakto lang para malaman na buhay pa 'yung tao.
Ilang sandali lang ay lumuwag 'yung pagkakayakap niya kaya hinawi ko ang kamay niya at tumayo.
“Umayos ka nga dyan!” sabi ko sa mataas na boses. “Kailangan ko pang linisin 'tong bahay mo oh!”
“Pwede mo rin bang linisin pati ang buhay ko?” sagot niya na parang timang habang nakapikit pa rin.
Mukhang wala pa naman siya sa matinong pag-iisip kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon.
“Ewan ko sa'yo Franco, ang kalat mo!” bulyaw ko kahit alam kong hindi naman siya nakikinig. “Ano bang nangyari sa'yo?”
Hindi naman ganito noong una akong pumunta dito.
“Kung noon 'to, kanina pa kita binugbog.”
Kinuha ko ang kamay niya at sapilitang pinatayo. Hindi naman siya nagmatigas at hinayaan niya akong alalayan ko siya papunta sa kaniyang kwarto. Ibinagsak ko siya sa kama kaya kumunot ang noo niya.
Aba, siya pa 'tong galit? Ang bigat kaya niya! Tinignan ko naman ang mukha niya na ang pula-pula. 'Yung totoo? Nag-aadik ba siya? Tapos ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Pero kahit ganon ay hindi naman nabawasan ang kagwapuhan niya. May lahing engkanto ata 'to, kahit anong gawin ang gwapo pa rin. Geez!
Pagkatapos kong linisin ang buong bahay niya ay nagluto ako ng tanghalian. Nagluto ako ng kung ano ang available sa refrigerator niya. Nakahanda na ang pagkain at kulang na lang ang kakain nang maisipan kong mag-CR.
Tahimik na nakaupo ako sa cubicle nang biglang bumukas ang pintuan ng CR, kasunod non ay bumukas ang shower. Hindi ko napigilan at napatili ako ng malakas.
“Shit! Sino 'yan?!” sigaw niya rin.
Wow! Hindi niya naalala?
“Huwag mong bubuksan!” mabilis kong sabi saka ginawa ang dapat kong gawin at tumayo.
Tanging shower curtain lang ang nasa pagitan namin. Mabuti na lang at hindi 'yon manipis. Malay ko ba kung nakahubad siya dyan!
“Ella, ikaw ba 'yan?” tanong niya.
“Oo, ako nga! Bakit?” inis kong sagot habang hindi mapakali.
“Paano ka nakapasok?”
“Obvious ba? Malamang alam ko 'yung pass code mo!” Napamewang ako.
“Huwag ka ngang sumigaw, masakit sa tenga,” reklamo niya.
“Bilisan mo na nga lang dyan!” saway ko habang ang lakas pa rin ng kaba sa dibdib ko. Akala ko talaga makikita na niya akong nakaupo doon sa trono. Shocks!
“Okay, basta huwag mo akong sisilipan dyan ah...”
“Hoy, hindi ako bastos kagaya mo noh. Ang kapal naman ng mukha mo!” nanggigigil kong sabi.
“Bakit Ella, kailan ba kita binastos?”
Hindi ako makasagot. Dahil wala naman talaga. Wala akong maalala na binastos niya ako noon dahil malaki ang respeto niya sa'kin. Maliban na lang sa pagiging suplado niya minsan. Tumahimik na lang ako at tanging ang patak ng tubig ang naririnig naming ingay.
“Matagal ka pa ba dyan?” kalmadong tanong ko. Kanina pa ata ako nakatayo dito eh.
“Matagal talaga akong matapos maligo... kung gusto mo tulungan mo ako dito. Personal assistant naman kita 'di ba?”
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...