“Franco?” dismayadong ulit ni Kent nang humarap siya sa'kin.
“K–Kent, ikaw pala... Sorry akala ko kasi...” Hindi ko matuloy ang sasabihin. Bakit ko ba nasabi 'yon?!
“Si Franco?” dugtong niya.
Napabuntong-hininga ako, naiinis. Inulit-ulit niya pa. Pero hindi ko 'yon pinahalata. Kasalanan ko rin.
“Hmm, bakit ka pala nandito?” pag-iiba ko ng usapan.
“Wala, gusto ko lang sana samahan ka pauwi.” Napakamot siya sa kaniyang ulo.
“Baka kasi malungkot ka,” bulong niya pa.
“Ha?”
“Wala, is it okay?” tanong niya.
“Alin?”
“Ang... sunduin ka,” nahihiyang sagot niya.
“Makati ba yung ulo mo?” wala sa sariling tanong ko.
“Ha?” Binaba naman niya ang kaniyang kamay. Kanina ko pa napapansing parang kinakamot niya ang ulo niya.
Marahan akong tumawa at napailing. “Wala.”
“Why? What's funny?”
“Wala. Hindi mo naman kailangang gawin 'to e,” sabi ko sa malumanay na boses, dahilan upang mapayuko siya.“Pero okay lang naman sa'kin.”
Napa-angat siya ng tingin sa'kin. Ngumiti ako.
“Okay, I'll just wait here.” Bakas sa boses niya ang tuwa saka sumandal sa kaniyang sasakyan.
“Sigurado ka?” Nakasandal pa rin ako sa gate.
Tumango siya. “Yeah, I'm fine here.” Nilabas naman niya ang kaniyang cellphone at pinakita sa'kin.
“Sige, malapit na rin naman off ko.”
Tumango ulit siya saka ako pumasok ng mansyon. Napailing na lang ako sa sarili habang iniisip ang pangyayari sa nakalipas na mga minuto.
Inayos ko muna ang kalat sa kusina at banyo bago pumasok sa silid ni Nanay Tasing.
Tinignan ko lang kung komportable ba si Nanay saka ko tinignan ang oras sa cellphone ko. Ilang sandali lang nang makatanggap ako ng message mula sa ospital kung saan na-confine si Lola Tess. Parang confirmation lang dahil sinasabing bayad na yung hospital bills namin.
Napakunot ang noo ko. Dapat sa Sabado ko pa babayaran 'yon. Paanong bayad na?
Imposible naman kung si Madame dahil sa kaniya galing ang pera na pambayad ko. Kaagad pumasok sa isip ko si Kent. Hindi kaya siya? Siya lang naman ang may kakayanang gawin 'yon.
Hindi rin nagtagal ay dumating si Madame. Gusto kong itanong sa kaniya ang tungkol doon pero pinangungunahan ako ng hiya kaya tumahimik na lang ako saka nagpaalam.
“How's everything going?” tanong ni Madame.
“Okay naman po Madame, nagpapahinga na si Nanay Tasing sa kwarto niya,” sagot ko kaagad. Mabuti na lang hindi na ako nabubulol kapag kausap siya.
“That's good. Ang ibig kong sabihin, kamusta na kayo ng kapatid mo? Wala namang problema?” Pinagkrus ni Madame ang kaniyang braso habang naghihintay ng sagot ko.
“Wala pong problema.” Huminga ako ng malalim.
“O sige na, may naghihintay sa'yo sa labas...”
Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Madame dahilan upang mapangiti siya. Baka mag-isip siya ng kung ano dahil sinundo ako ni Kent. Wala namang ibig sabihin 'yon. Nagpaalam ako bago lumabas ng mansyon.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...