Chapter 21

183 10 7
                                    

"Franco, saan tayo pupunta?" tanong ko nang makitang palabas kami ng City.





"We're going to my rest house love. It's a four-hours drive from here kaya magpahinga ka muna. Mag te-takeout na lang tayo sa madadaanan nating restaurant mamaya," sunod-sunod niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.





Aalis kami? "Teka, bakit? Paano na sila? Si Liza? Ang trabaho mo?"





Saglit niya akong tinignan bago binalik ang tingin sa daan at huminga ng malalim. "I wan't us to take a break- from them, from everything, love. Will you be with me?"





Nakatingin lang ako sa kaniya na diretso ang mata sa kalsada. Mas humina ang pagpapatakbo niya habang hinihintay ang sagot ko. Kita ko rin ang mabigat na paghinga niya at ang madiing pagkakahawak sa manibela nang tumagal. Hindi ko alam ang sasabihin. Paano na ang lahat? Tiyak hahanapin nila si Franco- lalo na si Liza at ang trabahong iniwan niya. At sina Lola't Emily, marami pa akong dapat ipaliwanag sa kanila. Tama bang umalis ngayon at magpakalayo?






Nanlaki ang mata ko nang biglang hinihinto ni Franco ang sasakyan sa gilid ng daan saka ako tiningnan nang may pag-iingat. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.






"Ella, sana malaman mo na wala akong ibang hinihiling kundi ang makasama ka. Honestly, nalulungkot ako dahil hinuhusgahan ka agad ng mga tao- yung mga tao na naging parte kung bakit ako nandito sa posisyon ko ngayon. Gusto kong magalit sa kanilang lahat, pero hindi ko magawa dahil malaki rin ang naitulong ng mga taong 'yon sa'kin. But it doesn't mean they can decide for me- no, they don't own me," sunod-sunod na saad ni Franco. Halatang na-iistress siya sa nangyayari dahil malalim ang mga mata niya kung tumingin. Mabigat din ang kaniyang paghinga.






"That's why I'm doing this love, for us to breathe out from everything. Gusto ko munang magpakalayo at huwag isipin ang mga problema ko. Gusto ko lang maging masaya kasama ang taong mahal ko, kasama ka. Kahit parang ang hirap, parang pinagkakait sa'kin ng mundo. Pero gagawin ko pa rin ang gusto ko, pwede ba 'yon?"







Parang may humaplos sa puso ko nang marinig iyon. Kusang gumalaw ang kamay ko upang hilain siya at niyakap. Bigla namang may tumulong luha sa mata ko habang hinigpitan ni Franco ang pagkakayakap. Hindi na rin ako nagsalita dahil halata naman ang sagot ko.





Sa ngayon, siya muna ang pipiliin ko. Kami muna ang iisipin ko.





°•°•°•°






"How is it love? Maganda 'di ba?"




Napangiti ako habang tinitingnan ang tanawin sa harap namin. Sa 'di kalayuan ay kita ang dagat at ang ulap na nagiging kulay kahel dahil sa papalubog na araw. Dalawang palapag yung bahay at nandito kami sa terrace. Malaki ito kaya sa gilid namin ay may mini sala. Sa baba rin ay kita ang jacuzzi sa may garden. Wala itong swimming pool dahil malapit naman daw sa dagat. Naramdaman kong niyakap ako ni Franco mula sa aking likuran kaya napasandal ako sa kaniya.






"Ang sarap sigurong tumira dito. Kailan mo 'to nabili?"





"I think, three years ago. Actually, ito yung unang binili ko sa naipon kong pera noong sumisikat na ako. Then simula non kapag gusto kong magpahinga o sa tuwing may problema ako, dito ako pumupunta."





"Ano namang naging problema mo? Na sa'yo na nga lahat eh. Ang yaman-yaman mo na tapos marami pang naghahabol sa'yo."





The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon