Chapter 20

173 8 2
                                    

Makalipas ang ilang araw mula nung nag-usap kami ni Liza ay kumalat ang isang picture naming dalawa doon sa sasakyan ni Franco. Maraming conspiracy theories ang lumabas dahil don. Ang mas malala ay sinasabi nilang may relasyon kami ni Franco. Tama naman sila sa parte na ‘yon pero dahil dito ay nagsilabasan ang bashers at maaaring masira ang love team nina Shannen.





Kaya heto ngayon si Liza at nag-aalburuto sa galit dahil malaki ang epekto nito sa career ni Franco. Na-cancel ang dalawang big events nila ni Shannen at marami ring na-disappoint kay Franco na pumatol sa isang low profile at personal assistant niya pa.





Nandito rin sina Rain at Ryan, nasa gilid sila at busy sa kani-kanilang cellphone. Malamang tinitignan nila ang mga reaksyon ng fans sa Twitter.





“This is all her fault, Franco! Huwag mo nga ipagtanggol ang babaeng ‘yan!”





“Come on, Li. No one is at fault, okay? Things could happen the wrong way so stop blaming Ella for this,” kalmadong sabi ni Franco kay Liza. Pero kahit ganon ay ramdam ko ang tensyon mula sa katawan niya at pagpipigil ng inis.





“What? So anong gusto mong gawin ko? Magsaya? Franco, career mo ang nakataya dito. Pinaghirapan natin ‘to. Ganon-ganon na lang ba?”





“Hayaan na lang natin. Kusang mawawala rin ang issue na ‘yan.”





Napayuko at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Pinag-uusapan na ito sa social media. Nabasa ko kanina ang iba’t ibang komento ng fans. Inaamin kong mas marami ang nagkomento ng mga masasakit na salita at pangba-bash pagkakita nila sa picture. Hindi ko alam kung makikilala nila ako pero kapag nakita ‘yon ni Emily, baka makilala niya ako.





Hindi ko tuloy alam kung saan ako mas nag-aalala. Sa pangba-bash sa’kin o sa magiging reaksyon nina Lola Tess at Emily.





“No! We need to fix this as soon as possible,” pagalit na sabi ni Liza. “This is insane. Hindi sana mangyayari ‘to kung—”





Napatingin ako kay Liza nang hindi niya tinapos ang sasabihin. Nagtitigan lang sila ni Franco na parang nag-uusap sa pamamagitan ng mata nila at sa huli si Liza ang nagbaba ng tingin. Padabog niyang binuksan ang pintuan at tinignan ako ng isang matalim na tingin bago lumabas.





Tumingala ako kay Franco na naglalakad palapit sa’kin at nang magtama ang tingin namin ay lumambot ang titig niya.





“Sorry,” mahinang sambit ko pagkaupo niya sa katabing upuan.





Hinawakan niya ang kamay ko at tipid na ngumiti. “It’s not your fault. Magiging okay din ang lahat, huwag mo ng isipin ‘yon.”





“Paano ka? Anong sasabihin mo sa media?”





“Just leave it to me love,” aniya. Natigilan ako at tumingin sa ibang direksyon.





Natatakot ako na baka mas lumala lang ang pangba-bash kapag nalaman nila ang totoong relasyon namin.





“Sana hindi ka gagawa ng bagay na pagsisisihan mo Franco. Ayokong masira ang career mo.”






Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang pisngi ko. “Don’t worry love, aayusin ko ‘to. Basta nandito ka sa tabi ko, mapapanatag ang loob ko. Hinding-hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa’yo at ng pamilya mo. Okay?”






Marahan akong tumango saka hinila niya ako upang sumandal sa dibdib niya. Siniksik ko ang mukha ko sa kaniyang leeg nang maramdaman ang payapa sa pagkakayap niya sa’kin. Pakiramdam ko ligtas ako at walang makakapanakit sa’kin kahit na sino.






The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon