Chapter 6

269 10 1
                                    

Pagdating ko sa ABS Building ay nandoon na sa labas si Kent at hinihintay ako. Sinabi kong wala pa akong alam sa mga pasikot-sikot sa loob ng building kaya sasabay ako sakanya papasok.

Habang nasa elevator kami ay may nakasabayan kaming artista pero hindi ko kilala. Hindi kasi ako mahilig manuod ng TV. Konti lang ang kilala ko yung mga artistang na-lilink kay Franco na laging binibida sakin nina Emily, Erika, Faye at Ashley.

Hilig ko lang magbasa ng libro na mismong pinublish ng kompanya na pinagtatrabahoan ko noon. Kaya madami akong collections sa bahay na mga romance novels at nakatambak lang sa ilalim ng kama ko. Wala naman kasi kaming bookshelf.

Paglabas namin ng elevator ay may mga taong nakasalubong kami at binati naman sila ni Kent. Ngumiti na lang rin ako sakanila nang tumingin sila sakin. Napatigil lang ako sa paglalakad nang huminto si Kent sa tapat ng isang pintuan na may nakadikit na pangalan ni Franco.

“Are you ready?” tanong niya bigla kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Hindi ko alam kung bakit niya tinanong yun pero tumango lang ako.

Siguro ay napansin ni Kent na parang wala ako sa sarili kanina at nung tinanong niya ako dun ko lang narealize na na-blanko ang isip ko habang naglalakad. At ngayon bubuksan na ni Kent ang pintuan. Gosh! Chill ka lang Ella.

Pagkabukas ng pintuan ay napatingin sa amin ang mga taong naroroon. Awkward na ngumiti lang ako sakanila.

“Hello, good morning!” nakangiting bati ni Kent. Ngumiti naman yung iba at nag-good morning din.

“Kasama ko nga pala si Ella Quizon, siya ang bagong P.A ni Franco,” pagpapakilala ni Kent sa akin. Isa-isa namang nagpakilala ang mga ito sa akin.

“Hi Ella! Ako nga pala si Ryan.. ang make up artist at hairstylist ni Franz,” sabi ng isang lalake na medyo may katabaan pero matangkad at yung boses niya parang iniipit para maging tunog babae. Absolutely, kalahi niya si Erika. I'm sure magkakasundo sila at kami. Ngumiti ako kay Ryan at tumango.

“Rain here! Outfit stylist ni Franz,” matipid na sabi ng isang babae habang inaayos ang mga damit sa isang hanger. Tinignan niya lang ako saglit saka ngumiti at bumalik din sa ginagawa niya.

Napatingin naman ako sa katabi niya na babae rin, nakaupo lang siya at nakatingin sakin saka kumaway. Sa tingin ko ay nasa mid 30's na siya at bago pa makapagsalita si ate ay narinig namin ang sigawan sa labas.

“Baka si Franz na yun,” sabi ni Ryan at dali-daling binuksan ang pintuan.

Bigla na naman akong kinabahan. Wala naman siguro akong sakit sa puso?!

Tumambad sa harapan namin si Franco na pinagpapawisan saka pina-upo sa isang stool. Lumabas naman yung dalawang babae na nandito kanina na isa ata sa mga staffs dahil may name tag sila yung parang malaking ID, pati sina Kent, Rain at si ate na kumaway sakin kanina ay lumabas din. Mukhang nagkakagulo kasi sa labas.

Para naman akong ewan na nakatayo lang sa gitna. Apat na lang pala kaming natira dito. Si Ryan, Franco, ako at isang babae na parang kasing edad ko lang, kasama ata siya ni Franco kanina. Omg. Baka girlfriend?!

Narinig kong tumikhim si Franco kaya napatingin ako sakanya at ganun din pala siya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin. Shemss!

“Sino siya?” narinig kong tanong ng babae.

“Si Ella, ang bagong P.A ni Franz,” pagpapakilala ni Ryan para sakin. “Ella, siya si Liza.. ang manager ni Franz.”

“Hi,” bati ni Liza saka ngumiti at lumapit siya sakin para makipagkamay, tinanggap ko naman ito nang nakangiti rin.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon