“OMG! Talaga Ate? Pupunta ka ng concert?” paulit-ulit na sabi ni Emily.
Sinadya ko talagang bumili ng ticket dahil gusto kong sorpresahin si Franco. Kukunan ko siya ng pictures at video tapos ipapakita ko sa kaniya pagkatapos. Sobrang bitter ko lang talaga noon kaya hindi ako nanonood kahit sa Mall shows niya.
“Oo nga, dalian mo na nga dyan.” Inutosan ko kasi siyang hugasan yung karne na lulutoin ko para sa tanghalian namin habang hinahanda ko ang ibang sangkap.
Ginawa naman niya yung sinabi ko pero hindi pa rin niya ako tinigilan.
“So anong nakain ng Ate ko at bigla na lang sasabihing manonood ng concert ni Franco na hate niya?”
Napailing ako.
“Wala, trip ko lang na sumama sa inyo. Tsaka gusto kong bantayan si Lola, baka may mangyari na namang hindi maganda.”
Well, isa rin ‘yon sa dahilan kaya ako pupunta. Hindi naman talaga si Franco ang bida ng concert dahil guest lang siya ng isang kilalang singer sa industriya. Pero nalaman kong pangatlong beses ang kantang gagawin niya kaya okay na ‘yon.
Napansin ko rin na kapag may concert ang isang singer na hindi pa gaanong sikat, madalas si Franco ang kinukuha nilang guest para lang bumenta yung ticket. Ganon ka in demand ngayon ang isang Franco Lawrence. Samantalang noon, solong-solo ko siya.
“Ate? Hoy!”
Napatalon ako dahil sa gulat nang biglang hinampas ni Emily ang mesa.
“Emily naman, huwag ka nga manggulat,” suway ko at pinagpatuloy ang pagdikdik ng paminta.
“Bigla ka kasing natulala dyan e.”
“Ewan ko sa’yo.”
Lumipas ang oras at nakakain na rin kami ng tanghalian. Ngayon, naghahanda na sina Lola at Emily dahil maya-maya ay aalis na kami. Mabilis akong kumilos kaya mas nauna ako sa kanila at nagsusuklay na ako ng buhok. Naisipan kong maglagay na rin ng konting makeup. Foundation lang naman tapos liptint. Hindi ako marunong magkilay kaya naglagay na lang ako ng eyebrow gel.
Sa totoo lang mas magaling pa sa’kin si Emily pagdating sa pagme-makeup. Katulad ngayon, talagang nag-ayos ang kapatid ko.
“Aalis na ba tayo?” tanong ko nang pumasok siya ng silid ko.
“Oo Ate, nasa sala na si Lola. Gosh! Excited na ako!”
Tinali ko ang kalahati ng buhok ko tapos nilaglag ko yung konting hibla ng buhok ko sa magkabilang gilid.
“Ang ganda mo Ate,” nakangiting sabi ni Emily.
Nambola pa ‘tong kapatid ko.
“Maganda ka rin Em.” Ngumiti ako. Bigla kong naalala si Mama. Magkamukha kasi sila samantalang magkamukha naman kami ni Papa. Nakakalungkot isipin na maaga silang kinuha.
°•°•°•°
Nandito na kami sa venue ng concert. Since medyo mamahalin yung ticket na binili namin kaya kasunod kami sa mga nakaupo sa VIP. Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na rin ang concert. Lahat nag-eenjoy dahil sobrang ganda ng mga kanta. Yung ibang guest naman ay kumanta ng old OPM songs.
Hanggang sa lumabas si Franco at lumakas ang hiyawan. Mas marami ata yung fans ni Franco ang nandito kung ikukumpara sa fans ng totoong may concert. Panay lang ang kuha ko ng pictures at video hanggang sa matapos ang kanta niya. Pagkatapos sumayaw naman ang sikat na boy group ng isang kanta ng BTS. Tuwang-tuwa yung mga fans na kagaya ni Emily. Mga kabataan nga naman.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...