“Oh my gosh! So kayo na ulit?” natutuwang tanong ni Ryan.
Umiling agad ako. “Hindi pa, okay?”
“Pero magka-text kayo?”
“Oo, araw-araw.” Ngumiti ako. Halos tatlong linggo na rin pala ang nakalipas.
Nandito kaming dalawa ngayon ni Ryan sa milktea business niya. Simula noong nagretiro si Franco sa showbiz, umalis na rin sina Rain at Ryan. Nagtayo sila ng sarili nilang business pero minsan nagme-make up pa rin naman si Ryan. Iyon yung forte niya kaya hindi mawawala iyon.
“Hays, iba talaga kapag inlove...” Ngumisi si Ryan.
Nagkibit-balikat ako at ngumiti.
“Well, well, well, look who’s here,” nakangising saad niya.
Lumingon naman ako sa aking likod at nakitang naglalakad si Franco sa gawi namin. Kahit hindi na siya artista, mala-artista pa rin talaga ang dating niya. Bigla akong kinabahan nang huminto siya sa gilid ko.
“Hi.” Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo.
Sumimsim ako sa aking milktea. “Akala ko mamaya pa?”
“Yeah, pero may ipapakita muna ako sa’yo.”
Pinigilan ko ang ngiti ko. “Ano?”
Nagpaalam kami kay Ryan at tumango naman siya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi na ako nag-abalang tanungin si Franco. Alam kong hindi rin naman niya sasabihin.
Huminto ang sasakyan sa isang bakanteng lote at sa harap nito ay makikita ang isang maliit na building.
“Nursery school? Anong gagawin natin dito?” nagtatakang tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt.
“Remember I told you I was busy, at sabi mo anong pinagkakaabalahan ko. Ngayon malalaman mo.” Kinindatan niya ako bago kami lumabas ng sasakyan.
Nauna siyang maglakad sa akin ng konti pero huminto rin at hinila ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papasok habang magka-hawak ang kamay. Ngayon lang nag-sink in sa akin lahat. So nagta-trabaho si Franco dito?
“Teacher! He’s back!” Biglang tumakbo ang isang batang lalaki papasok ng room. Natawa ako at umiling si Franco.
Iginaya niya ako sa isang classroom at nakita kong inosenteng lumingon ang mga bata sa gawi namin. Kaniya-kaniya sila ng ginagawa pero may iba na nakaupo at nagsusulat ng kung ano sa sa kanilang papel.
Napaawang ang labi ko sa tuwa nang ngumiti at kumaway sa akin ang mga chikiting.
Hinila naman ako ni Franco sa harap. “Children say hi to our visitor, teacher Ella,” sabi niya at marahang tumawa.
“Hi teacher Ella!” bati nila. Yung ibang bata kumaway pa kaya napakaway na rin ako sa kanila.
“Hello, tawagin niyo na lang akong, Ate Ella.” Ngumiti ako.
“English please, ‘di nila naintindihan.”
“Seryoso ba ‘yan?” Bumaling ulit ako sa mga bata. “Ah, uhm, just call me Ate Ella. I'm not a teacher so there's no need to call me that—”
Napatigil ako at nilingon si Franco nang bigla siyang tumawa. Sumimangot ako sa kaniya kaya sumeryoso ulit siya.
Nilagay niya ang kaniyang kamay sa likod ko at mahinang tinapik. “I’m just kidding.”
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagtuturo si Franco sa nursery school. Dati pa talaga ay alam kong malapit siya sa mga bata. Wala siyang kapatid kaya parang gusto niyang napapalibutan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...