Chapter 28

156 6 0
                                    

“Sigurado ka bang effective ‘yang idea mo?” tanong ko kay Emily pagkatapos niyang sabihin sa’kin kung papaano namin malalaman kung nasaan si Franco.

“Oo naman! Wala ka bang tiwala sa’kin ate?” may pagmamalaki na sabi ni Emily.

Pakunwaring nagkibit-balikat ako. Tulad ng napag-usapan namin, gumawa si Emily ng dummy account at nagtweet ng petisyon na malaman ng fans kung nasaan si Franco. Sinabi rin doon ni Emily na tinatago ni Liza si Franco para sa sariling interest niya— na kino-control niya si Franco.

Tuwing interview, palaging sinasabi ni Liza na family matters ang pag-alis ni Franco at desisyon niya ‘yon. Kapag may photoshoot o endorsement, sila ng team niya kasama si Franco— ang gumagawa at sinesend sa photographer upang i-edit.

“E she-share ko ‘to sa friends ko at co-fans sa gc namin ate. Sabihin mo rin sa friends mo para maraming makaalam,” saad niya habang nakatutok sa kaniyang sariling cellphone.

“Opo ma'am, wait lang.” Si Rain at Ryan lang naman ang karamay ko sa oplan naming ito kaya sinend ko sa kanila yung link ng post. Sa pagkakaalam ko, may fan account rin ang mga iyon katulad ni Emily. Mabuti na rin ‘yon para hindi masyadong halata.

Makalipas ang ilang oras, umabot ng 7.2 thousand retweets at 4.1thousand likes and counting ang anonymous tweet na pinost ni Emily. Umani rin ito ng maraming comments— negative at positive.

“Heto pa! Heto pa!” malakas na sabi ni Rain kaya napatingin kami sa kaniya. “Akala ko ako lang ang nakakapansin! Dati hindi makaporma si Franco sa girls dahil nakabuntot lagi si manager,” with feelings na basa niya mula sa cellphone.

“Kung wala lang sanang kapit ‘yan sa entertainment si manager, na-realtalk ko na ‘yan e!” gigil na saad ni Ryan, dinuro-duro niya pa ang cellphone na hawak niya dahil sa inis.

“Kalma lang mga besh, ang puso niyo,” sabi ko. Pero sa totoo lang, nayayamot na rin ako. Gustong-gusto ko ng makausap at makita si Franco pero wala akong magawa.

Napabuntong-hininga ako. “Onga pala, kailangan ko ng umalis.”

“Saan ka pupunta? Dito ka muna, wala naman kaming ginagawa eh,” ani Ryan.

“Nagpapabili si Emily ng bagong sapatos, luma na yung suot niya ngayon eh.” Nagpunta lang talaga ako ng studio para makibalita sa kanila, nagbabakasakaling nandito na si Franco pero wala pa rin pala akong napala. Ano ba kasing nangyayari?

“Ang sweet talaga ni Ate!” nang-eechos na sabi ni Rain.

Natawa kaming tatlo.

“Sige na, bye!” paalam ko bago umalis.

Nang dumating ako sa mall, pumunta agad ako sa mga shop na nagtitinda ng sapatos. Magka-size lang kami ni Emily kaya hindi ako mahihirapan.

Sa huli, naisip kong bilhan si Emily ng Rusty Lopez na sapatos para kahit medyo mahal ay matibay.

“Thank you ma'am! Come again,” nakangiting sabi ng cashier sabay abot ng sukli ko. Ngumiti lang din ako bilang tugon.

Lumabas kaagad ako ng shop, papunta ng grocery store nang biglang may nahagilap akong pamilyar na babae sa section ng mga damit pambata. Naka-disguise yung babae pero sa mga totoong nakakakilala sa kaniya ay malalaman agad na siya iyon.

Hindi ko namalayang napahinto pala ako nang biglang may batang lalake na lumapit sa kaniya.

“Baby, saan ka ba nagsususuot? Huwag kang lalayo kay Mommy, okay?” ani Liza sa malambing na boses.

Kumunot ang noo ko. May anak na si Liza? Kailan pa? Pero malaki na ang batang iyon. Ibig sabihin, hindi niya sinabing may anak siya.

Pagkatapos nilang mamili ng damit ay pumunta na sila sa cashier. Napapaisip akong nagpatuloy sa paglalakad.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon