“Totoo?! Sinabi niya ‘yon Ate?” usisa ni Emily, halatang ‘di makapaniwala.“Text,” maikling sagot ko.
“Ang mugto ng mata mo!” dagdag pa niya.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paghalo-halo ng kape habang wala sa sariling nakatitig sa mesa.
“Hoy, Ate!”
Kinakabahang napatingin ako kay Emily. “Bakit?” halos suminghal ako sa kaniya sa sobrang pagkagulat.
“Nakatulala ka kasi diyan eh! Lalamig na yung kape oh.” Tinuro niya pa iyon gamit ang kaniyang nguso.
Sumimangot ako. “Sabing huwag akong gulatin eh.”
Tumingin sa'kin si Emily na parang may sasabihin. Tumaas ang isang kilay ko.
“Nagtataka lang ako,” panimula niya. “Simula nung bumalik na si Franco parang ang tahimik ng media about sa issue? Hindi na masyadong pinag-uusapan yung tungkol sa inyo Ate.”
Napabuntong-hininga ako.
“Siguro malaki na naman ang binayad ni manager. Badtrip talaga ‘yon, perfect na sana eh,” patuloy ni Emily.
“Wala na akong magagawa,” wala sa sariling sabi ko. Gusto kong tanggapin na ito na yung kapalaran ko at kahit anong gawin ko ‘di na siya babalik. Si Franco na mismo ang kusang bumitaw.
Pero bakit ganon? May parte pa rin sa puso ko na umaasa. Kahit sobrang sakit na nung ginawa niya hindi ko pa rin kayang bumitaw ng tuluyan.
“Meron pa, Ate.” Napatingin ako kay Emily. “‘Di ba alam mo yung condo niya? Bakit ‘di mo siya puntahan? Tapos sama mo ‘ko,” dagdag niya at ngumisi.
Biglang dumalo si lola Tess sa hapag-kainan kaya umayos ako ng upo.
“Ikaw talaga Emily kung ano-ano ang sinasabi mo dyan sa Ate mo,” sabi ni lola at tumingin sa'kin. “Rendella, kung pagod ka na, pwede namang magpahinga apo. Huwag mong kakalimutan na gawing prioridad ang kalusogan mo.”
Ngumiti ako. “Opo Lola.”
“Pero La, hindi naman pwedeng sumuko na lang agad si Ate. Malay natin naiipit lang talaga si Franco kaya wala siyang magawa.”
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Emily. Naalala ko ang batang kasama ni Liza noong isang araw. Pati pa pala iyon, bumabagabag sa isip ko.
“Ayokong pag-isipan ng masama si Franco pero sa nakikita ko, naduduwag siya. Kung talagang mahal niya ang Ate mo, ipaglalaban niya ito,” litaniya ni lola saka tumalikod at umalis.
Napabuntong-hininga si Emily habang tinitingnan ako, halatang dismayado sa narinig mula kay lola Tess. Kahit ako man ay nadismaya rin, parang nawala na ang boto ni lola kay Franco. Pero hindi ko rin siya masisisi.
“Ate,” mahinang sambit ni Emily. Tumitig lang ako sa kaniya. “Ito na yung last, kapag hindi talaga, hindi na rin.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Pumunta tayo ngayon sa condo ni Franco tapos komprontahin mo siya. Kailangan mo siyang makausap Ate, alam mo ‘yon? Communication yung kulang sa inyo e.”
“Alam mo Emily, huwag ang lovelife ko ang problemahin mo, okay? Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo,” sabi ko sabay tayo.
“Pero Ate—” Hindi matapos ni Emily ang sasabihin niya nang pinandilatan ko siya ng mata.
Walang salitang bumalik ako sa aking silid. Gusto ko mang gawin ang sinasabi ni Emily, naisip ko ring tama si lola Tess. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya ito gagawin sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...