Chapter 11

189 7 0
                                    


“Saan mo gustong kumain?” tanong ni Kent habang nagmamaneho.

“Kahit saan.” Ngumiti ako sa kaniya at ganon din siya. Pero agad naman siyang tumingin sa daan, baka mamaya mabangga pa kami.

Bakit ba ang cute niya? Para siyang leading man sa mga Korean dramas na napapanood ko sa TV. Although hindi talaga siya Korean, pero ganon 'yung dating niya.

“Please be specific, Ella. Kasi this time, gusto ko 'yung gusto mo naman ang masusunod.” Nakangiti siya habang sinasabi 'yun pero nakafocus ang tingin niya sa daan.

“Uhm... baka kasi hindi mo magustuhan. Alam mo naman, wala akong ideya sa mga fancy restaurants katulad ng nalalaman mo.”

Napatingin naman ako kay Kent nang bigla niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Then tell me, Ella. What exactly do you want?” Ilang segundo siyang nakatitig sa akin kaya bigla akong na-conscious.

“Kwek-kwek,” mabilis kong sabi. “Namimiss ko na rin kumain ng street foods.”

“Sige, kakain tayo ng street foods,” nakangiting sabi niya.

Tinuro ko sa kaniya 'yung lugar na may nagtitinda ng street foods na madalas din naming puntahan nina Erika dati tuwing nagc-crave kami ng isaw. Pagdating namin, maraming tao ang naroroon.

“Tara, may suki kami dito.” Hinila ko si Kent palapit sa kakilala ko upang doon bumili.

“Grabe ang daming tao,” 'di makapaniwalang sabi ni Kent. Natawa ako sa kaniya. Habang naglalakad kami, napapatingin sa amin 'yung ibang tao. Madalas mga babae.

Sino ba'ng hindi? Eh ang gwapo nitong katabi ko.

“Manong June! Dalawang kwek-kwek nga po,” sabi ko saka ngumiti.

“Ella? Ikaw pala 'yan.” Tumawa si manong saka kinuha na 'yung order namin.

“Hello po...”

Hindi na din nagsalita si manong June dahil marami ang bumibili.

“Ngayon ka lang ba nakapunta dito?” tanong ko kay Kent habang naghihintay.

“Napadaan siguro, Oo... pero hindi naman ganito kadami 'yung tao,” sagot niya.

“Ganito talaga kapag uwian na.”

Naging parte na ata ng kultura ng pinoy ang pagkain ng street foods.

“Eto na Ella.” Napalingon ako kay manong saka kinuha 'yung order namin. Binigay ko naman kay Kent 'yung isa saka nagsimula na kaming kumain.

“Okay ba?” tanong ko.

Tumango naman siya. “Yeah... masarap.”

“May mas masarap pa dito, mamaya...” sabi ko at natawa naman siya.

“Bakit?”

Nagulat ako nang bigla niyang punasan ang gilid ng bibig ko gamit ang panyo niya. Hindi ko na lang pinansin, lalo na ang kaba sa dibdib ko dahil sa small gesture na 'yun.

“Wala. Balak mo ba akong patabain?” natatawang tanong niya. Health conscious pala ang isang 'to.

“Sira, puro kasi healthy 'yang kinakain mo! Magcheat ka naman minsan.”

“Loyal ako.”

“Ewan ko sa'yo,” sabi ko at pareho kaming natawa.

Pagkatapos naming magbayad kay manong June, lumipat naman kami sa may isawan.

“Ito 'yung sinasabi ko sa'yo, sobrang sarap nito!”

Na-excite tuloy ako. Ilang buwan na rin akong hindi nakakakain nito.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon