Chapter 2

313 17 1
                                    

Kinaumagahan ay sinabi ng doktor ni lola Tess na pwede na siyang umuwi mamayang hapon. Umatake raw ang asthma ni lola dahil sa pagod.
Kailangan niya lang magpahinga at e'maintain ang pag-inom ng kanyang mga gamot.

Dalawa kaming nagbabantay ni Emily kay lola ngayon dahil sunday naman, nang biglang may kumatok sa pintuan.

Hindi naman kumakatok ang mga nurse at doctor kapag nagpupunta sila sa mga room ng pasyente nila ah.

Lumapit ulit ako kay lola kaya si Emily na ang lumapit sa pintuan para pagbuksan kung sino man yung kumatok.

“Ayos lang po ba kayo lola?”

Tumango naman si lola Tess bilang sagot. Tinatamad atang magsalita eh, pati nanghihina pa pala si lola.

“Sabihin niyo lang po kung may---”

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang malaman ko kung sino ang nasa harap ngayon ni Emily.

“Franco? As in F-Franco Lawrence?”

Nanlaki ang mata ko at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ngayon. Nagpapanick ang buong katawan ko, hindi pwedeng makita niya ako dito.

Hindi pa ako handa! Shocks.

“Sshh! Oo, ako nga. Huwag kang maingay.”

Si Franco nga.. Ano namang ginagawa niya dito? Paano niya ako nahanap!

“Ohmygosh!” narinig ko pang bulong ng kapatid ko. Halatang pinipigilan niya ang kilig.

“Uh, lola.. may bibilhin lang ako ah. Sandali lang po,” bulong ko kay lola at tumango lang ulit siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagkunwaring may tinatawagan. Tapos yumuko ako para malaglag sa harapan ko yung mga buhok ko at matabunan ang aking mukha.

Naglakad ako ng mabilis habang nagsasalita.
“Uh, h-hello? Oo wait lang babe, palabas na ako. Hintayin mo lang ak---”

Napahinto ako nang tawagin ako ni Emily. Ughh. Hayaan mo muna ako Emily parang awa mo na.

“Ate! Teka lang,” sabi niya pa sakin. “May boyfriend ka na? Kailan pa?”

Mygosh?! Wala nga pala akong boyfriend!  Napaka-echosera rin talaga nitong kapatid ko.

“Oo. Ikaw na munang bahala dito byeeee!”

Kumaripas na ako ng takbo palabas ng hospital. Sana naman di niya ako namukhaan. Pati yung boses ko, apat na taon na ang nakalipas. Siguro naman nakalimutan na niya ang tunog ng boses ko.

Umupo ako sa pavements sa labas ng hospital, sa pinakadulo ako pumwesto para kung sakaling lumabas si Franco ay hindi niya ako makita. Hindi ko rin masyadong nakita ang mukha niya kanina dahil nakayuko ako pero nakakasiguro akong siya yung lalakeng kausap nung nurse kanina na weird ang suot. Yun pala ay nakapang-disguise siya. Buti nalang talaga at hindi ako natuloy dun.

Makalipas ang isang oras na pagtatambay ko sa labas ay naisipan kong kumain at magtake out na lang para kay Emily.

Siguro naman nakaalis na yun ngayon. Mag aalas otso na rin naman. Para makasiguro ako ay tinawagan ko si Emily at sabi niya ay umalis na raw si Franco kanina pa. Kaagad na bumalik ako sa loob at binigay kay Emily ang pagkaing binili ko.



°•°•°•°




“Anooo? Ang ibig mo bang sabihin nagpunta dito si Franco dahil may nakapagsabi sa kanya na inatake si lola habang nanunuod ng mall show niya?” tanong ko ulit.

Akala ko nakilala niya ako, buti nalang at hindi pala! Pero bakit parang nadismaya naman ako dun?

“O-oo po. Waaaaaah, sorry ate! Di na mauulit!”

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon