Nasa office ako ngayon at kasalukuyan akong nagbabasa ng script na naka-assign sakin. May dalawa pang natitira, mahaba-haba pa naman ang mga yun at dalawang araw nalang at aalis na kami dito. Grabe bakit parang ang bilis naman?
Hindi ko pa nasasabi ito kay lola dahil baka maistress lang siya. Lalo naman kay Emily, puro pagfa-fangirl lang ang alam nun.
Sinabi sakin ni Erika na na-bankrupt daw si Mr. Jones dahil marami siyang utang, lagi pa naman siyang nagbibisyo kaya hindi na raw nito kayang magbayad sa mga staffs at sa mga authors na nagpapasa ng mga kwento nila para ipublish. Malaki pa man din ang binabayad niya sa building na to.
“Maaamsh!” sigaw ni Ashley habang papalapit sakin. Isa rin siya sa mga naka-close ko dito, silang dalawa ni Faye kaya mamsh ang tawagan namin.
“Bakit?” Yung mukha niya parang kinikilig na ewan. Siguro ku-kwentuhan na naman niya ako tungkol kay Franco. Wala akong balak makinig. Mukhang wala kasi sina Ashley at Erika dahil umalis sila kaya ako ang balak niyang kwentuhan.
“Kung si Franco lang naman yan na walang panama sakin, huwag nalang!”
Luh.
“Ano ka ba, hindi siya!” mabilis na sagot ni Ashley. “Yung manliligaw mo nandun sa labas. Kyaaaahh! Daliiii puntahan mo na mamsh.”
Wth? Hindi pa rin natinag ang lalakeng yun noong sinabi kong hindi ko siya gusto?
“Sabihin mo wala ako.”
“Sinabi ko ng nandito ka at tatawagin kita kaya huwag ka ng magpakipot dyan!”
Napatayo ako at nagcross arms. Nakakainis! Sakto namang dumating si Erika.
“Kyaaaaahhhh! Nandun sa labas ang manliligaw mo baklaaaa!”
Kumunot ang noo ko. Kilig-kilig sila dyan!
“Dito lang kayo ah, huwag niyo ko susundan,” pagbabanta ko sakanila saka naglakad ako palabas ng office. Alam ko namang nakasunod pa rin yung dalawa sa likod ko.
“Hi Ella, kumusta?”nakangiting sabi sakin ni Kent. Ngumiti lang ako pabalik. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan, gwapo, matangkad at mabait naman si Kent. Medyo payat nga lang pero gwapo pa rin siya. Pero hindi ko talaga type. Siguro tama nga si lola, mapili ako? Geez.
“Kent---”
“Don't worry, hindi naman ako nandito para manligaw sayo,” pagputol niya sa sasabihin ko kanina. Ano pala? “Nandito ako para alokin ka ng trabaho. Nabalitaan ko kasi na isasara na itong Publishing company ni Mr. Jones kaya naisip ko na tulungan ka.”
Omg! Hindi naman kami magkaibigan para tulungan niya ako. Isang araw ko lang ata siyang in-entertain. After nun hindi ko na siya pinansin kahit araw-araw niya akong padalhan ng bulaklak o chocolates. Kahit pala anong ginawa at pinagsasabi ko sa lalakeng to handa pa rin siyang tulungan ako. I don't deserve him.
“Sigurado ka? Hindi ka galit sakin?”
Pakiramdam ko tuloy ang sama ko.
“Bakit naman ako magagalit?” nakangiting tanong niya sakin pabalik.
Ang bait niya pala talaga. Bakit sa dinami-daming babae sa mundo, sa akin pa siya nagkagusto? I'm sure maraming babae ang nagkakandarapa sakanya dahil mestiso naman siya.
“Magkita nalang tayo mamaya. Itetext kita,” sabi niya sabay ngiti ulit. Nakuuuu pa-fall naman ang lalakeng to. Sorry Kent, pero wala talaga eh.
Ngumiti ako pabalik at tumango. Nagpaalam na siya at umalis kaya bumalik na ako sa loob ng office. Pero bago pa ako makapasok ay naabutan ko si Ashley at Erika sa may pintuan at ang lalapad ng ngiti.
“Ehem.. Mukhang nangangamoy buhay pag-ibig ang aking bebe ngayon ah!” mapang-asar na sabi ni Erika saka tumawa.
“Che!” Dumiretso na ako sa table ko at umupo.
Naalala kong binlock ko pala si Kent kaya dali-dali kong ini-unblock yung number niya.
°•°•°•°
“Ano ba yang pinaglalagay mo sa mukha ko?” tanong ko kay Erika. Baka magmukha na akong aswang sa dinami-dami ng nilagay niya. Foundation lang ang alam ko eh.
“Just wait, ano ka ba!” saway niya sakin. Nandito kami sa kwarto ko dahil nagpumilit si Erika na ayusan ako kahit sinabi kong ayoko. Mag-uusap lang naman kami ni Kent, hindi kami magdedate.
“Baka magmukha na akong espasol nyan!” reklamo ko.
Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos na rin kaming magbangayan ni Erika. Okay naman yung pagkaka-ayos niya, ang galing parang natural lang. Feeling ko tuloy lalo akong gumanda. Char.
“Kyaaahh! Ang ganda mo bakla!” pagpupuri sa akin ni Erika. Tuwang-tuwa naman siya. Minsan lang kasi ako magmake up. “Kunan kita ng picture dali! Pang instagram.”
Kung ano-ano namang post ang ginawa ko habang kinukunan ako ni Erika ng picture. Tapos namili kami ng magaganda at in-upload ko sa instagram with credits syempre. Ang arte talaga neto.
Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay lola Tess at Erika. Baka kanina pa ako hinihintay ni Kent. Inasar pa nila ako na galingan ko daw ang pagpapacute.
Pagdating ko sa Metro Centre ay pumasok kaagad ako kung saan magkikita kami ni Kent. Binati naman ako ng guard. Kinakabahan ako. First time ko pa namang makapasok sa isang mamahaling hotel. Balita ko madalas dito nagche-check in ang mga artista. Sana naman maganda ang takbo ng gabing to. Huminga ako ng malalim bago pumasok ulit sa isang glass door kung saan nandun ang restaurant na part ng hotel na ito.
Hindi naman ganun kadaming tao kaya nakita ko agad si Kent at kumaway pa siya. Ngumiti lang ako at naglakad papalapit sa table na inuupuan niya. Grabeee kinakabahan talaga ako nang umupo ako siguro dahil first time ko.
“Hi, buti nakarating ka,” sabi ni Kent habang nakangiti. Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya sa right side sa gilid ng labi niya.
“A-ah ehh.. oo naman, hehe.” Bakit ba ang awkward ko ngayon? Hindi ako sanay.
Ilang beses ko na atang hindi siya sinipot kaya siguro nasabi niya yun. Mygosh! Nakakahiya, porket sinabi niyang aalokan niya ako ng trabaho kaya sumipot ako ngayon. Baka isipin niya mapagsamantala ako.
“Mamaya nalang natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho. Um-order muna tayo, siguradong gutom ka na.”
Ilang minuto lang ay nakahanda na ang pagkain namin. Si Kent ang pinapili ko dahil siya naman ang magbabayad. Chicken salad, carbonara, at seafoods ang in-order niya. Pagkatapos naming kumain ay desert naman yung nasa table namin. Pakiramdam ko ay kumalma naman na ako siguro dahil masarap talaga yung pagkain.
“Ah Kent, hindi mo naman kailangan gumastos ng ganito. Okay lang naman sakin kahit sa labas, nakakahiya naman sayo,” mahinahong sabi ko.
Ngumiti siya at matagal pa bago nakasagot si Kent. Siguro ay naninibago siya dahil hindi ko siya tinatarayan ngayon at hindi ako sumisigaw.
Baka isipin niyang plastic ako kahit hindi naman. Sadyang sumanib sa akin ang salitang kahihiyan ngayon.“No, it's okay. Matagal ko na ring gusto na i-treat kita dito,” sagot niya agad.
Tumango lang ako at napalingon-lingon sa paligid. Napansin kong medyo dumami yung tao tapos umingay ng konti. Magsasalita na sana si Kent nang biglang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalake na naglalakad papalapit sa table namin. Huli na nang yumuko ako dahil nagtama ang paningin naming dalawa.
Shit!
Anong ginagawa ni Franco dito?
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...