Chapter 23

169 6 1
                                    

“You are my future wife now, future Mrs. Lawrence.”



Nakahiga kami at tinitingnan ang singsing na nasa daliri ko. Ang isang kamay niya ay nakayakap sa'kin habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib. Siniksik ko pa ang sarili nang maramdaman ang init mula sa katawan niya. Malakas kasi yung aircon ng silid kaya malamig. Pinisil naman ni Franco ang balikat ko nang marahan.



“Ayaw kong sirain ang moment pero paano na ang career mo? Alam naman nating hindi nila ako matatanggap para sa'yo,” ‘di ko napigilang sabihin.



Narinig ko siyang huminga ng malalim bago hinawakan ang baba ko upang tingnan siya sa mata. “No one can stop me, Ella. Ikaw lang ang babaeng gusto ko habang buhay at kaya kong i-give up lahat para sa'yo. Kaya huwag mo ng isipin 'yon, okay?”



Ngumiti na lang ako ng tipid at tumango. Alam kong hindi magiging madali iyon. Mahirap talaga ang pag-aartista, hindi ka basta-bastang makakatakas. Nang hindi ako umimik ay narinig ko ulit ang pagbuntong-hininga ni Franco kaya nag-angat ako ng tingin ulit upang tingnan ang mukha niya.



“Love, know that hindi naman kita mamadaliin sa kasal. I mean, we're engaged. Masaya akong malaman na magpapakasal ka sa'kin. I'm afraid you're—”



“May tiwala ako sa'yo Franco, saka na lang ang mga what ifs basta masaya ako. Sobrang saya ko,” pagputol ko sa sasabihin niya.



Ngumiti siya at huminga ng malalim saka hinigpitan ang yakap sa’kin hanggang sa makatulog kaming pareho.



Nagising ako dahil sa ingay ng boses na sumisigaw. Napagtanto kong mag-isa na lang ako sa kama kaya bumangon ako at umupo.



“You are going overboard, Franco! Bakit ka nagpapadala kay Ella? Hinahanap ka na ng management at fans. Ano ba, mag-isip ka naman?! Bumalik ka na dito, please!”



Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Franco sa may terrace, hawak ang kaniyang telepono. Parang nabunotan ako ng tinik nang mapagtantong naka-loudspeaker pala iyon kaya rinig na rinig ko ang boses ni Liza.



Akala ko totoong nandito siya kanina. Siguro hindi rin natiis ni Franco na buksan ang cellphone niya para makibalita.



“I told you, babalik ako, just don’t know when. And I'll sort things out with Ella first.”



May sinabi pa si Liza bago binaba ni Franco ang tawag. Napabuntong-hininga siya bago sinilid ang telepono sa kaniyang bulsa. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa.



Kaagad naman siyang lumapit. Knowing Liza, hindi iyon titigil. Ilang araw na rin kaming nandito. Tatlong araw?



“Tara, let's have breakfast love,” saad ni Franco sabay hawak sa aking baywang.



Ngumiti ako. “Mauna ka na love, cr lang ako.”



Tumango naman si Franco bago lumabas ng silid. Pagkatapos kong mag-banyo ay kinuha ko ang sariling cellphone at binuksan. Titingnan ko lang kung may update mula kay Emily.



Nang umilaw ito ay sunod-sunod itong nag-vibrate. Kaagad kong binuksan ang mensahe ni Emily nang makita ang pangalan niya.



Emily:

Ate, naiintindihan ko. Alam kong may dahilan ka kahit gusto kitang sabunotan char! Basta ate okay lang kami ni lola... Sobrang nag-alala kami sayo ate pero huwag kang mag-alala. Mag-ingat ka dyan ate, nandito lang kami ni lola para sayo. Hihintayin namin paliwanag mo.



The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon