Chapter 37

143 6 0
                                    

"Itong tagumpay na 'to para ito sa pamilya ko. Yung tatay at lola ko, kahit wala na sila alam kong proud sila sa'kin... at syempre sa ate ko na masipag, mabait at matapang dahil siya ang tumayong ama at ina ko. Wala siya ngayon pero para sa kaniya 'to. At sa lahat ng naniwala sa'kin, maraming salamat."

Iyon ang naabutan ko sa speech ni Emily sa ibabaw ng entablado. Nagpalakpakan agad ang mga tao at ganoon din ako. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang sinusundan ng tingin si Emily papunta sa upuan niya.

Pagkatapos ng program, isa-isa ng nagsilapitan ang mga estudyante sa kani-kanilang pamilya. Nakipagsiksikan ako upang makalapit kay Emily. Nakita ko siyang kausap ang mga kaibigan niy koa bago siya iwan ng mga ito upang pumunta sa kani-kanilang pamilya.

Nakatungo si Emily habang pinagmamasdan ang mga masasayang tao sa paligid niya bago tinignan ang diploma at ngumiti. Ngunit pansin ko ang lungkot sa mga mata niya.

Ilang sandali pa at nagpasya na akong lapitan si Emily.

“Congratulations,” marahang sabi ko at ngumiti.

Napaawang ang labi niya nang tumingin sa'kin. “Ate!”

Kaagad na niyakap ako ni Emily pagkalapit sa'kin at sinalubong ko naman iyon nang may ngiti sa labi. Muntik pang mapunit ang diplomang hawak niya.

“Ate, akala ko talaga 'di ka pupunta,” naiiyak na saad niya.

Hinagod ko ng marahan ang kaniyang likod. “Surprise.” Ngumiti ako. Nagdahilan akong hindi ako pinayagang umuwi ng Pinas dahil sa workload ko pero ang totoo ay gusto ko siyang surpresahin.

“Pinaiyak mo 'ko. Nasaan na yung chocolates ko?” Ngumuso siya.

“Jusko, hindi ka na bata.”

“So wala nga?”

“Meron, nasa bahay,” sagot ko at umalis na kami ng hall.

Balak ko sanang maghanda para e-celebrate ang graduation ni Emily pero sabi niya ay kumain na lang kami sa labas.

Bumaba kami sa isang kilalang restaurant. Si Emily ang nag-request na dito kami. Graduation naman niya kaya pinagbigyan ko siya.

“Sigurado ka ba, Ems? Baka paglabas natin wala na tayong pamasahe pauwi, mukhang mamahalin talaga dito, eh,” sabi ko pagkapasok pa lang namin.

Tumawa si Emily. “Don't you worry, Ate. Affordable lang yung mga pagkain dito,” sagot niya habang busy sa kaniyang cellphone.

Itatanong ko sana kung paano niya nalaman pero hindi na rin ako nakapagsalita nang pumasok kami  ng elevator. Naguguluhan man ay sinunod ko lang si Emily, mukhang marami siyang alam sa lugar na 'to.

“Ito na ata 'yon,” rinig kong sabi niya habang naglalakad kami at huminto sa isang pintuan.

“Sigurado ka bang restaurant 'to?” Tumingin ako sa paligid ng pasilyo, may mga nakasabit na frames sa gilid at sa dulo naman ay makikita ang view sa labas. “Bakit hindi tayo sa baba?”

Hindi ako pinansin ni Emily nang buksan niya ang pintuan at kasabay non ang putukan.

“Surprise!”

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat at ganoon din si Emily. Napatakip pa siya ng bibig samantalang medyo nagugulohan ako.

“Congrats, bebe! At welcome back, girl!” Masayang-masaya si Ryan at niyakap kami.

“Grabe kayo, may pa ganito pa talaga,” 'di makapaniwalang sabi ko.

“Ako rin, 'di ko in-expect! Thank you po!” naiiyak na sabi ni Emily.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon