Chapter 14

178 6 1
                                    

“Franco! Franco!”

Napaatras ako nang makita ko ang mga papalapit na reporters kay Franco.

“Pwede ka ba namin ma-interview saglit?”

“Just a few questions will do po.”

Nakapalibot na ang mga ito kay Franco habang naghihintay ng kaniyang pahintulot.

“Sure.”

Nag-go signal naman ang isa sa mga reporters sa camera man na naghahanda upang itapat ang camera kay Franco. Nilabas naman ng mga reporters ang kani-kanilang recorders at cellphone at tinapat kay Franco.

“So Franco, sobrang sikat mo na ngayon lalo na't patuloy na namamayagpag ang teleserye ninyo ni Shannen. Anong masasabi mo?” tanong ng isang babaeng reporter.

“Yeah. Ayun po, nagpapasalamat ako sa mga fans na patuloy ang suporta sa teleserye namin...” panimula niya. “At syempre sa pagtanggap nila kay Shannen bilang leading lady ko. Kasi 'di ba baguhan lang siya tapos... 'Yun, sobrang ganda ng pagtanggap nila sa tandem namin. Maraming salamat po talaga.”

Nagpakawala naman ako ng isang malalim na hininga matapos marinig 'yun. Akala ko sasabihin niya sobrang ganda ni Shannen.. Although totoo naman. Geez!

“Ano naman ang masasabi mo na maraming fans ang natutuwa sa chemistry niyong dalawa?”

“Well, nakakatuwa rin na... 'yun nga masaya sila, tanggap nila. Kasi para sa kanila naman talaga 'to. Ang importante ay may napapasaya tayo,” tumatangong sagot ni Franco.

“Ito ah, marami kasing nagtatanong lalo na ang mga fans. Ano ba ang status niyo ni Shannen?”

Hindi pa man nakakasagot si Franco ay may sumunod naman.

“Oo nga, kasi sa nakikita ng tao na bagay kayo tapos 'yung mga fans parang nag-eexpect na maging kayo in real life kasi nga nadadala sila sa teleserye,” sabi ng isang lalakeng reporter. “Anong masasabi mo doon Franco?”

“Uhm... siguro huwag na lang po tayong mag-expect. Basta magkaibigan kami ni Shannen, siguro 'yun din ang mahalaga talaga, for now.”

Minsan ang hirap din talagang mag-artista dahil maraming expectations ng tao sa'yo.

“Ibig sabihin may chance?”

Patuloy na tanong ng reporter. Parang hindi na rin komportable si Franco dahil nagiging malikot siya. Hindi ko rin makita ang expression niya dahil nasa likod nila ako sa 'di kalayuan. Bigla namang tumabi sa'kin si Liza na nakakunot ang noo.

“Bakit hindi pa kayo umaalis?” May halong inis sa kaniyang boses.

“May interview pa kasi...”

“I know. What I mean is, bakit pa kayo nagpa-interview may hahabolin pa tayong pictorial,” reklamo ni Liza sabay cross-arms. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa maliit na kumpulan sa harap namin.

“Pumayag naman si Franco, wala na akong nagawa.” Ayoko namang hilain na lang siya bigla. Eh reporters ang mga 'yun at may camera. Baka mahagip pa ako mahirap na...

Binagsak niya ang mga kamay at nagsalita, “As if sensible ang mga tanong nila, puro naman Shannen.”

Tinignan ko na lang si Liza habang padabog na naglakad papunta kay Franco. Tumigil naman ang mga reporters nang makita si Liza. Nagpasalamat ang mga ito bago nila hinayaang makadaan si Franco sa gitna at sumunod kay Liza. Mabilis akong naglakad upang sundan sila.




°•°•°•°




“Girls, alam niyo na ba ang balita?” excited na tanong ni Ryan saka umupo sa isang upuan. Tinignan ko siya pero binalik ko rin ang tingin sa aking cellphone.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon