Chapter 40

204 8 0
                                    

“Ella, wait! Ella!”

Hindi ko pinansin si Franco at patuloy lang ako sa paglalakad. Napahinto lang ako nang may biglang  humawak sa aking braso.

“Let me explain,” hinihingal na sabi niya.

“Okay, explain.” Humalukipkip ako habang naghihintay ng sasabihin niya.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong movie date namin at dalawang linggo na rin simula nang mag-decide kami na gawing official ang isa't isa. Kaya siguro naman valid ang reason na magalit kapag nakita ang boyfriend mo na may kalandian na ibang babae.

“Okay, sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ginawa 'yon ni Lanie. Pero I assure you love, Lanie is just a close friend from work. I thought of giving her a ride kasi nasira ang motorbike niya at hindi ko naman alam na darating ka—”

“So kasalanan ko na dumating ako? Sana hindi na lang ako nagpunta para mahatid mo siya, ganon?” Tumaas ang kilay ko at napabuntong-hininga siya na parang hindi alam ang sasabihin.

“So tama nga ako?” tanong ko nang hindi siya nagsasalita.

“Oh my God, hindi 'yan ang ibig kong sabihin, love, okay? Believe me, hindi ko rin gusto ang ginawa niya and especially now that I have you.”

“Ginagawa niya 'yon palagi?”

Kinakabahang tinignan niya ako at napahawak sa kaniyang batok. “Uh, before. I told you, we were close friends and then one day hinatid ko siya tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi. She likes to do that whenever I do something for her.”

Napakagat ako sa aking labi, knowing na may ibang babaeng umaaligid kay Franco noong wala pa ako. Pero anong magagawa ko?

“I swear love, ngayon lang ulit nangyari 'yon after you came back at naging tayo officially. Maybe because hindi ko pa nasabi but I will, tomorrow,” paniniguro ni Franco at sinubukang hawakan ang kamay ko pero umatras ako.

“Nagustohan mo ba? Gusto mo ba siya? Niligawan mo ba siya? Naging kayo ba?” wala sa sariling tanong ko.

“Let's talk about it somewhere else and not in the middle of the road, okay?” Lumapit siya sa'kin at hinila ako pabalik kung saan naka-park ang sasakyan ni Franco.

“Saan mo gustong kumain, love?”

“Kahit saan,” maikling sagot ko.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang kalsada hanggang sa dumating kami sa Jollibee at nagulat ako nang sa drive thru si Franco dumaan.

Hinayaan ko lang siyang umorder dahil wala ako sa mood. Ilang oras ang lumipas at hininto ni Franco ang sasakyan sa isang bakanteng lote at walang masyadong tao.

Kinuha niya ang paperbag saka bumaba at ganoon din ako. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Nakasunod lang ako kay Franco hanggang sa unti-unti kong nakita ang mga munting ilaw sa baba namin.

“Oh my God,” sambit ko. Pakiramdam ko nasa ibabaw ako ng mundo. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin, tinatangay ang konting hibla ng aking buhok.

Nagmulat ako at naramdaman ang kamay ni Franco mula sa aking likod.

“I don't know how to convince you but I hope this made you feel better,” bulong niya.

“Salamat.” Ngumiti ako kahit hindi ko sure kung nakita niya.

“You're welcome, love. Let's eat na?”

Tumango ako at tinulungan siyang mag-set up ng picnic blanket na hindi ko alam kung saan galing. Habang kumakain, nag-usap lang kami ng kung ano-ano ni Franco. Alam kong bumabawi siya kaya niya ako dinala rito at masaya ako dahil sa efforts niya.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon