“Kayo na?” nakangising tanong ni Rain.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagtupi ng mga damit na nagamit kanina.
“Kayo na e, saya mo oh,” tukso niya pa at sinundot ang tagiliran ko kaya napailag ako. Tumawa lang si Rain.
“Tumigil ka nga,” nakangising saway ko. Wala namang sinabi si Franco kung kami ba o hindi. Basta nagkakaintindihan kami. Iyon ang mahalaga sa aming dalawa.
“Mahirap ang walang label girl, pero support ko kayo kaya go lang ng go!” biglang singit ni Ryan na kararating lang.
Natawa ako sa kaniya. Ganoon ba kami ka obvious kahapon? Kung alam na ni Rain at Ryan, si Liza kaya?
Napatingin naman kaming tatlo nang bumukas ang pintuan. Nagulat ako nang makitang si Kent ang nakatayo doon.
Ngumiti siya at binati sina Rain at Ryan. Dalawang araw nga pala akong hindi nagparamdam sa kaniya.
Tumayo ako at lumabas upang makapag-usap kami. Nagtungo kami sa pinakamalapit na lounge area.
“Kumusta? Hindi ka kasi nagre–reply sa texts ko kaya naisip kong puntahan ka,” mahinang sabi ni Kent na parang nahihiya siya.
Malaki ang building kaya madalas lang talaga kaming nagkikita. Lalo na kapag may taping o event si Franco, lagi kaming nasa labas.
“Sorry ah, busy kasi ako eh. Pasensya na talaga.” Ngumiti ako ng tipid. My God. Tama ba ‘tong sinasabi ko?
“May gagawin ka ba mamayang gabi?”
Nag-iwas ako ng tingin. “Kent, kasi... may sasabihin ako.”
Ayokong paasahin si Kent kaya sasabihin ko sa kaniya ang totoo.
“Save it later, okay lang ba? May gagawin kasi ako ngayon eh. Actually, dumaan lang talaga ako dito para kumustahin ka.”
“S–sige.”
Nagpaalam si Kent na aalis na siya pero nabigla ako nang lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa pisngi. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko.
Ngumiti si Kent. “See you later.”
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala. Cheating na ba ‘yon? Sasabihin ko ba kay Franco? Kung hindi, malalaman niya kaya? Pero hindi naman kami.
Lahat ng ‘yon ay palaisipan sa’kin. Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone sa aking bulsa at kinuha iyon.
F:
Nandito na ako. Nasaan ka?
Dali-dali akong tumayo at bumalik ng dressing room.
“Saan ka galing?” bungad ni Franco. Nakakahiya dahil kasama pa namin si Rain at Ryan. Kahit hindi sila umiimik ay alam kong nakikinig ang mga ‘yan.
Pagkalapit ko sa kaniya ay hinapit niya ako sa baywang at hinila kaya nakayakap na siya sa’kin.
“Franco, nakakahiya,” mahinang sabi ko.
Ngumisi lang si Franco at mas hinigpitan pa ang hawak sa’kin. Ginulo ko ang buhok niya. Alam kong ‘yon ang kahinaan ng mga lalake pero hindi niya ako pinansin.
“Rain, labas muna tayo. Nakakahiya sa lovers dito e,” singit ni Ryan kaya napatingin kami sa kanila.
Tumawa naman si Rain at lumabas na sila. Kumindat pa sa’kin si Ryan. Baka kung ano-ano na naman ang isipin ng mga ‘yon.
Inalis ko ang mga braso ni Franco sa baywang ko at lumayo ng konti.
“Franco, magpapaalam lang sana ako,” panimula ko. “Aalis kasi ako mamaya, may kikitain lang akong kaibigan.”
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
De TodoSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...