Epilogue

209 5 0
                                    


“Hi love!” bungad ni Franco pagbukas ko ng pintuan sabay halik sa labi ko saka marahang hinaplos ang aking tiyan.  “And hi there, baby.”

Hinila ako ni Franco at sabay kaming pumunta sa sala.

“Nasaan na yung salad ko?” tanong ko habang pinagmamasdan siyang tanggalin ang medyas niya. Dati ako ang gumagawa non pero hindi ko na kaya dahil lumalaki na ang tiyan ko.

“Shit! Nakalimutan ko.” Napakamot si Franco sa kaniyang batok.

Sinamaam ko siya ng tingin. “Bakit mo nakalimutan? Ha! Baka naman may babaeng umaaligid sa'yo doon kaya kinalimutan mo?” galit na sabi ko.

Kaagad siyang tumayo at niyakap ako. “Love, calm down. Hindi ko sinasadya, okay? Don't worry gagawan na lang kita ng salad. Mas masarap pa dahil ako ang gagawa, ayaw mo ba non?”

Pinulupot ko ang aking kamay sa baywang niya. “Okay, sige, sabi mo 'yan ah.”

“Yes, of course. Change lang ako ng damit,” sabi niya at binitiwan ako.

“Sama ako.”

Tumawa si Franco at inakbayan niya ako papasok sa silid namin upang magbihis. Pagkatapos niligpit ko ang mga ito at gaya ng nakagawian ko, inamoy ko yung polo niya. Siguro tama sila na si Franco ang pinaglilihian ko.

Agad kumunot ang noo ko. “Love, bakit kakaiba ang amoy ng polo mo ngayon? Nag-iba ka ba ng perfume?” Sa pagkakaalam ko iisang perfume lang ang ginagamit niya.

“Wala 'yan love. Baka may ibang perfume at kumapit lang...”

“Sigurado ka?”

“Yes, siguradong-sigurado.” Ngumiti si Franco sabay tawa nang sumimangot ako.


°•°•°•°•°

“Franco? Franco...” Niyugyog ko ng mahina ang balikat ni Franco upang gisingin siya. Pagtingin ko sa orasan, alas dos pa lang ng madaling araw.

“Franco,” sambit ko at niyugyog ulit siya ng mas may lakas.

“Yes, baby? What's wrong?” tanong niya habang nakapikit pa rin.

“Nagugutom ako,” sabi ko at unti-unting nagmulat ng mata si Franco.

“Okay, tara.” Halatang inaantok pa rin siya pero pinilit niyang tumayo at sinamahan akong kumain.

Magkatabi kaming umupo habang kumakain ako at pinipigilan niya ang sarili na makatulog sa upuan. Bigla siyang humikab at ang cute niyang tingnan kaya napangiti ako.

“Love?”

“Yes?” Nagmulat siya ng mata upang tignan ako at nilagay ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko.

“Napapagod ka na ba sa'kin?”

“What? No, of course not.” Pinisil niya ng konti ang hita ko. “I love taking care of you and our baby.”

“Kahit pagod ka na sa work?”

“Yep,even if I'm tired. I won't get tired of taking care of you.”

°•°•°•°•°

“Omg! Grabe, ang cute niya!” sambit ni Emily habang pinagmamasdan si baby Zac.

“Mamsh, ninang ako, ha,” saad ni Ryan. “Grabe kay gwapong bata.”

“Syempre, mana sa daddy!”

“Oo na, walang kokontra,” sabi pa ni Ry at nagtawanan kami.

“Baby, nandito na si daddy...” bulong ko at tumingala upang salubongin ang halik ni Franco.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon