“Ella, diba paborito mo to.”
Nilagyan ni Franco ang plato ko ng spaghetti kahit na hindi pa nauubos yung akin. Naramdaman kong napatingin silang lahat sa aming dalawa.
Magkatabi kami kaya umusog ako ng konti para di sumagi yung siko ko sakanya. Baka nakakalimutan niyang hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil sa ginawa niya noong isang araw. Nagbibiro lamang pala si Franco na may date kami para hindi matuloy ang lakad namin ni Kent noong time na yun.
Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain, ganun din si Franco. Pero ilang segundo lamang ang nakalipas at nagsalita ulit siya dahilan para maputol ang pag-uusap nina Rain at Ryan.
“Kumain ka ng madami Ella, huwag ka ng mahiya. Tayo lang naman ang nandidito.”
Napatigil ako sa pagnguya. Hindi ko alam kung concern ba talaga siya o nang-aasar lang. Matakaw ako pero hindi ko pinapahalata sa ibang tao. Geez!
Binangga ko yung tuhod ko sa tuhod niya sa ilalim ng mesa para patahimikin siya. Tumikhim si Ryan at nakangiting aso naman si Rain. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng dugo sa utak ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis. Ugh!
Mabilis na tumakas ako sa foodcourt pagkatapos kumain. Madalas ay tumatambay kami saglit pero dahil badtrip ako ay dumiretso ako sa dressing room.
°•°•°•°
“Jessa, mahal kita. Kahit sino ka pa at ang pinanggalingan mo ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba,” saad ni Franco sa mababang boses habang nakahawak ang isang kamay nito sa pisngi ng babae at mataman itong tinitigan sa mga mata.
Nakalimutan ko ang pangalan ng babae pero siya ang kasalukuyang katambal ni Franco sa bagong teleserye nito. Sa pagkakaalam ko ay baguhan pa lamang siya pero dahil sa galing niya sa pag-arte ay siya ang napili. Nandito lamang ako nakatayo malapit sa camera man at tahimik na nanunuod sa eksena nila.
Sandaling napapikit ito at umiling habang may mga luhang namumuo sa mga mata nito.
“Mahal din kita Xander, Pero..” Hindi na natuloy ang sasabihin ng babae dahil hinalikan siya ni Franco. Tumugon naman yung babae. French kiss ba tawag don? Shocks.
Bigla akong nasamid sa sarili kong laway kaya tumalikod ako at naglakad papunta sa loob ng tent para kumuha ng bottled water.
“Ella.” Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ang boses ni Franco sa aking likod. Hindi ako humarap at nagpatuloy lamang sa pag-inom ng tubig.
“Don’t worry, wala lang ang halik na yun sakin.”
Shocks! Iniisip niya bang nagseselos ako? Feelingero rin pala ang lalakeng to.
“Ano bang pinagsasabi mo--” Nanlaki ang mata ko nang biglang ang lapit namin sa isa’t isa pagkaharap ko habang ang puso ko ay parang lalabas na sa ribcage sa sobrang lakas ng tibok nito. Dahil matangkad si Franco ay nakatingala ako sakanya ng konti. Pakiramdam ko tuloy ay ang liit-liit ko dahil hanggang balikat niya lang ako.
“Sshh,” suway niya sakin. “Kahit hindi mo aminin, I can see it through you.”
Kumunot ang noo ko at ngumisi naman siya. Sumusuot sa ilong ko ang kanyang pabango ngayon na axe. Parang nakakaadik yung amoy niya. Errr!
Hindi ko ito pinahalata at mataray na nakipagtitigan ulit kay Franco.
“Ang yabang, baka gusto mong mahimasmasan?” tanong ko at bumaba ang kanyang tingin sa bottled water na hawak ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...