Chapter 16

195 7 0
                                    

Simula noong naghiwalay kami ni Franco ay hindi ko na naisip na magkakaroon pa ako ng chance na makausap siya ulit. Makasama pa kaya? Inasahan ko ng magagalit siya at kakamuhian niya ako habang buhay dahil bigla ko na lang siyang iniwan.

Pero kabaliktaran yung nangyari. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Inamin niyang ako pa rin ang nasa puso niya. Pero hindi pwedeng maging kami ulit ni Franco. Ayokong masira ang career niya. Nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko.

“Doon ka na lang sa kwarto ko matulog. Ako na sa guest room, sira kasi yung aircon,” aniya.

Hindi ako makatingin kay Franco dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin magawang sigawan siya o magalit.

“Okay.” Wala na akong lakas para makipagtalo sa kaniya. Bakit parang ako pa yung nahihiya dito? Dumiretso ako sa kwarto niya at tinext si Emily na hindi ako makakauwi.

Dahil wala akong pampalit ay humiga agad ako sa kama at tumitig sa kisame. Bigla namang nagplay sa utak ko yung nangyari kanina.

Oh my God! Hinalikan niya ako! Parang ngayon lang nagsink in sa’kin. Bakit niya ginawa ‘yon? Ano ba kami?

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Parang mababaliw ako kakaisip kung anong gagawin o sasabihin ko bukas. Magagalit ba ako? Magiging cold ba ulit ako sa kaniya? Hindi ko na alam. Sana pala umuwi na lang ako.

Dahil sa kalikutan ko ay nahulog ako sa kama. Naitukod ko pa ang siko ko kaya napapikit ako sa sobrang sakit. Nagulat ako nang marinig ang malakas na kalabog ng pinto sa labas lalo na nang dumilat ako at nasa harap ko na si Franco, nakayuko sa’kin upang alalayan ako.

“Shit, okay ka lang ba Ella?”

Umupo ako sa kama at ganoon din siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin si Franco.

“Saan ang masakit sa’yo? Gusto mo dalhin kita sa hospital?”

“Hindi na, okay lang ako. Masakit lang ng konti.” Tinignan ko yung siko ko at sinubukang ituwid.

Hinaplos rin ni Franco ang parteng iyon nang makitang nasasaktan ako.

“Bakit ka ba nahulog? Lasing ka ba?” sermon niya sa’kin ngunit sa mahinahong boses. “Sinabi ko kasi huwag ka ng uminom. Matigas talaga ‘yang ulo mo.”

Naiiyak ako dahil sa sakit sa siko ko pero gusto kong matawa sa hitsura niya. Para siyang tatay na pinapagalitan yung anak.

Nanlaki naman ang mata ko nang ma-realize na wala siyang damit pang-itaas. Napalunok ako. Hindi six packs yung abs niya at tama lang na may guhit doon ng muscles. Yung dibdib din niya na medyo umbok pero matipuno tignan. Nagtama ang tingin namin ni Franco at nag-init agad ang pisngi ko. Lumayo ako ng konti at binawi ang kamay ko mula sa hawak niya.

“Huwag kang gagalaw, kukuha lang ako ng ice bag para hindi mamaga.”

Tumango ako at tinignan ang pigura niyang paalis. Pinaypayan ko ang mukha gamit ang isang kamay upang kalmahin ang sarili ko. Pagbalik ni Franco ay may dala siyang ice bag at isang basong tubig.

Uminom muna ako bago niya nilagay ang ice bag sa siko ko. Tahimik lang kami habang ginagawa niya iyon at nakikiramdam sa isa’t isa.

“Franco?” pagbasag ko sa katahimikan.

“Hmm?” Hindi kami nakatingin sa isa’t isa.

“Ayokong masira ang career mo, ang mga plano mo sa buhay,” pag-amin ko. Sobrang layo na ng agwat namin ngayon. Artista siya, lahat ng galaw niya alam ng media, lahat makakakita. Samantalang ordinaryong babae lang ako, ‘di hamak na isang personal assistant.

The Beauty In MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon