Tatlong araw.
Tatlong araw na lang at makikita ko na ulit si Franco. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin o lapitan man lang. Natatakot ako na maaaring galit siya sa’kin— na siguro akala niyang hindi ko na siya tatanggapin o babalikan. Nong araw na ‘yon, hindi ko man lang inalam na baka nahihirapan din siya. Nasaktan ko siya. Iniisip ko pa lang ay sumisikip na ang dibdib ko. Pero kahit ganon ay nangingibabaw pa rin ang pagkasabik na makita ko si Franco.
Handa naman akong pakinggan ang paliwanag niya. Handa akong tanggapin kung ano man ang desisyon niya. Wala akong ibang pinanghahawakan kundi itong singsing na nasa kamay ko. Papakasalan niya ako. Magpapakasal pa kami.
Pero kung kailangang ako naman ang lumaban para sa’ming dalawa, gagawin ko.
“Ate! Ate!” sigaw ni Emily at nagmamadaling umupo sa tabi ko. “Tingnan mo ‘to.”
Natigilan ako at kumurap-kurap. Isa itong IG post ni Franco na pareho silang nakangiti sa picture ni Liza habang nakaupo sa isang balcony. Si Liza ang may hawak ng camera habang si Franco ay may hawak na mug. Walang caption at tanging emoji lang na kape pero ang saya nilang tignan.Unti-unting gumapang ang paninibugho sa aking katawan. Naiilang na tumikhim ako at nilayo ang mukha sa cellphone na hawak ni Emily.
Isang araw na lang. Bukas na iyon. Bukas na ang balik nila ng Pinas. Huminga ako ng malalim. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa isang litrato lang. Walang salita na tumayo ako at pumasok sa aking kwarto.
Kaagad kong binuksan ang lahat ng accounts ko upang tingnan kung may reply si Franco. Napabuntong-hininga na lang ako at ibinagsak ang katawan sa kama nang makitang hindi niya man lang binuksan ang mga message ko.
Napapikit ako ng mariin at binalikan ang mga alaala namin noong high school hanggang doon na nasa villa kami. Kaming dalawa lang. Sobrang saya namin non. Bakit biglang ganito? Konting pagkakamali lang ganito na agad ang nangyari.
Nagmulat ako kasabay ng pagdaloy ng mainit na tubig sa gilid ng aking mukha mula sa mga mata ko.
Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako. Napabalikwas ako nang maramdaman ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Kaagad naman akong naligo at nagbihis upang pumunta sa ABS building.
*****
“I’m sorry Ella, pero hindi talaga namin alam kung bakit hindi pa rin dumadating si Franco. Supposedly nandito na siya ngayong umaga pero hindi ata natuloy ang flight niya,” paliwanag ni ate Jo. Siya lang ang naabutan ko dahil nasa isang set sina Rain at Ryan.
Ngumiti ako ng malungkot. “Okay lang po, babalik na lang ako bukas.”
Tumango si ate Jo saka ako nagpaalam dahil may trabaho pa siyang tatapusin. Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong na naman akong mga staff na nag-uusap. Pero nang tumingin ako sa kanila ay tumigil sila sa pagsasalita at umalis. Nagkibit-balikat na lamang ako sa aking sarili.
Palabas na sana ako ng main door nang may mahagilap ang aking mata na isang pamilyar na babae sa kabilang hallway. Kahit nakatalikod ito ay alam kong si Liza iyon. Ang manager ni Franco!
Mabilis ko siyang sinundan. Pasakay na ito ng elevator kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siya ng malakas. Walang emosyon sa kaniyang mukha nang lumingon ito. Pagkakita ni Liza sa’kin ay tumaas ng konti ang isang kilay niya.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...